News Releases

English | Tagalog

Andrea, gagaling sa pagkabulag dahil kay Bro sa "Huwag Kang Mangamba"

March 30, 2021 AT 05:57 PM

Bro heals Andrea's blindness in "Huwag Kang Mangamba"

Because of her devotion to God, Mira gets the greatest miracle of her life.

Magsisimula na ang misyon ni Mira (Andrea Brillantes) na ibahagi sa kapwa ang kabutihan at pagmamahal ng Diyos dahil papagalingin siya ni Bro mula sa pagkabulag ngayong linggo sa ABS-CBN inspirational series na “Huwag Kang Mangamba,” na napapanood gabi-gabi sa TV5.

 

Mangyayari ang himala matapos pagbantaan ang buhay ni Mira dahil sa pagkakalat niya ng balitang kinakausap siya ng Diyos, na hindi naman papaniwalaan ng mga taga-Hermoso.

 

Tutulong naman si Mira kay Father Seb (Enchong Dee) na muling maipatayo ang dating simbahan ng Hermoso, ngunit hindi pa rin magiging sapat ang nangyaring milagro para makumbinsi si Joy (Francine Diaz) na nagsasabi siya ng totoo.

 

Isa naman sa makakalaban ni Mira si Deborah, ang sikat na faith healer ng bayan, na aakusahan siyang sinungaling at patuloy na magkukunwari na siya lang ang tanging nakakakita sa Diyos.

 

Samantala, mababalikan naman ng mga manonood ang unang linggo ng “Huwag Kang Mangamba” sa A2Z channel sa free TV at digital TV boxes dahil ipapalabas ang espesyal na Holy Week marathon nito ngayong Black Saturday (Abril 3) mula 2 hanggang 5 PM.

 

Subaybayan ang “Huwag Kang Mangamba” gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, WeTV, at iflix. Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.

 

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE