News Releases

English | Tagalog

Vivoree, nag-ala Rihanna sa unang panalo sa “YFSF Season 3”

March 30, 2021 AT 11:43 AM

Rihanna performance gives Vivoree her first win in “YFSF Season 3”

The rising sweetheart’s confident performance as her idol Rihanna got the highest votes from the jury and celebrity performers combined last Sunday (March 28), making her the sixth weekly winner of the hit Kapamilya musical variety competition.   

Matapos mag-trending ng ilang beses sa kanyang mga performance, nakasungkit na rin ng panalo si Vivoree Esclito sa “Your Face Sounds Familiar Season 3” bilang ang kanyang idolong si Rihanna.

Nakuha ng tinaguriang rising sweetheart ang pinakamataas na boto mula sa jury at kapwa celebrity performer noong Linggo (Marso 28) at tinanghal na sixth weekly winner ng hit Kapamilya musical variety competition. 

“Sobrang thank you po. Kayo din ang inspiration ko actually kasi sobrang gagaling niyo kaya I know I have to level up my performance,” ani Vivoree sa kanyang kapwa contestants, matapos tanggapin ang kanyang tropeo at P50,000 na premyo.

Lubos ding nagpasalamat si Vivoree sa kanilang mentors sa show na sina Jed Madela at Nyoy Volante, jury members na sina Gary Valenciano, Ogie Alcasid, and Sharon Cuneta, at sa lahat ng mga suporta sa kanya. Bago si Rihanna, lumabas na rin bilang Selena Gomez, Kim Chiu, Geneva Cruz, Camila Cabello, at Sarah Geronimo si Vivoree.

Mahirap ang naging pagde-desisyon ng mga hurado dahil sa ganda ng ipinakita ng lahat ng mga celebrity performer. Sa katunayan, iba-iba pa ang napili ng jury bilang pinakamahusay sa linggo. Walong puntos ang ibinigay ni Ogie sa iDolls, na nagtanghal bilang Boyz II Men. Para naman kay Sharon, si Vivoree ang pinakamahusay, habang ang pagganap ni Geneva Cruz bilang Freddie Aguilar ang panalo para kay Gary.

Maging ang celebrity performers, iba-iba rin ang binigyan ng puntos, pero apat sa kanila ang pumili kay Vivoree. Para naman sa winner ng Week 6, kapuri-puri ang paga-ala Lolita Carbon ni Lie Reposposa, na nagpatikim pa ng bago niyang awitin.

Hindi rin naman nagpahuli ang ibang contestants na sina Klarisse De Guzman (Mariah Carey), Jhong Hilario (Bob Marley), Christian Bables (Michael Jackson), at CJ Navato (Barry Manilow).

Mapapanood ang “Your Face Sounds Familiar Season 3” tuwing Sabado ng 8 pm at Linggo 7:30 pm sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live, at iWantTFC. Panoorin din ang “KaFamiliar Online Live” show nina Darren Espanto at AC Bonifacio sa Kapamilya Online Live tuwing commercial breaks.
 
Para sa nakaraang perfomances pumunta sa official YouTube channel ng “Your Face Sounds Familiar” o sa iWantTFC. I-follow ang @YourFacePH para sa updates sa Facebook, Twitter, at Instagram. Para sa balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom