News Releases

English | Tagalog

"Seobok" nina Gong Yoo at Park Bo Gum, nasa iWantTFC, KTX.PH ngayong Abril 15

April 13, 2021 AT 04:46 PM

Gong Yoo and Park Bo Gum's "Seobok" streams in PH on iWantTFC, KTX.PH this April 15

K-Drama stars team up for Korean sci-fi film

Mapapanood ng Pinoy fans ang South Korean actors na sina Gong Yoo at Park Bo Gum sa kapanapanabik na kwento ng Korean sci-fi film nilang “Seobok” sa iWantTFC at KTX.ph ngayong Huwebes (Abril 15), kasabay ng paglabas nito sa Korea.

Maaaksyong eksena ang dapat abangan sa pelikula tungkol sa isang dating special agent na si Ki Heon (Yoo), na binigyan ng isang sikretong misyon na ilipat sa isang ligtas at tagong lugar ang kauna-unahang human clone na si Seobok (Bo Gum).

Habang nasa misyon, iba’t ibang grupo ang makakabanggaan nila na susubukang dakipin si Seobok, ang tanging nakakaalam ng sikreto sa pagiging imortal. Dahil sa kanilang mga engkwentro, mamumulat si Seobok sa outside world at maiintriga kung paano mabuhay nang normal.

Maaari nang bumili ng tickets sa halagang P250 sa iWantTFC website (iwanttfc.com) o sa KTX.ph. Magiging available ang palabas sa loob ng 48 hours.

Panoorin ang “Seobok” sa KTX.ph at sa iWantTFC app (iOs at Android) o website (iwanttfc.com). Mapapanood din ito sa mas malaking screen dahil available na rin ang iWantTFC sa piling devices gaya ng VEWD, ROKU streaming devices, piling Samsung Smart TV models, at Android TV. Available na rin ang iWantTFC via chromecast at airplay. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://iwanttfc.com/help#tfc-on-smart-tv.

Para sa updates, sundan ang iWantTFC at KTX.ph sa Facebook (www.facebook.com/iWantTFC at www.facebook.com/ktxtickets), Twitter (@iwanttfc at @KtxPH), at Instagram (@iwanttfc at @ktx.ph).