News Releases

English | Tagalog

Kabutihan ni Andrea, trending sa "Huwag Kang Mangamba"

April 15, 2021 AT 01:59 PM

Pinatunayan ni Mira (Andrea Brillantes) na nakakahawa ang kabutihan pagkatapos niyang mahimok ang mga taga-Hermoso na magtulungan pagkatapos ng isang malakas na bagyo sa inspirational series ng ABS-CBN na “Huwag Kang Mangamba,” na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, and TV5.
 
Nag-trending sa social media ang pagbibigay ni Mira ng nakuha niyang relief goods sa mga mas nangangailangan, kaya naman muling nabuhayan ng loob ang mga tao at nagsilbing inspirasyon sa kanila para magbayanihan.
 
Habang unti-unting nahuhulog ang loob ng mga taga-Hermoso kay Mira, napapalapit na rin sa kanya si Joy (Francine Diaz) kahit hindi pa rin buo ang tiwala nito sa pananampalataya niya kay Bro.
 
Ngunit susubukan namang sirain ng faith healer na si Deborah (Eula Valdes) ang relasyon ng dalawa sa panunuhol niya kay Joy na lokihin si Mira, na nagiging banta na sa kanyang negosyo.
 
Magawa kaya ni Joy na siraan si Mira? Magsimula na nga bang manumbalik kay Bro ang mga tao dahil kay Mira?
 
Subaybayan ang “Huwag Kang Mangamba” gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, WeTV, at iflix. Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.
 
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.