News Releases

English | Tagalog

Heaven, uusisain ang pagkamatay ni Barbie sa "Bagong Umaga"

April 15, 2021 AT 03:07 PM

Heaven questions Barbie's suicide in "Bagong Umaga"

Watch the exciting developments in "Bagong Umaga" on its last three weeks from Monday to Friday, 2:30 PM on on Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, and iWantTFC.

Pinatay o nagpakamatay?

Malakas ang paniniwala ni Tisay (Heaven Peralejo) na hindi nagpakamatay si Cai (Barbie Imperial) at patutunayan niya ito sa huling tatlong linggo ng "Bagong Umaga."  

Nang huling magkausap nang harapan ang dalawa, hindi naman nagparamdam si Cai na siya ay magpapakamatay. Lalo pang lumakas ang kutob ni Tisay nang malaman na minadali ng nasabing ospital ang pagpapaembalsamo rito.   

Dala ng galit sa pagdidiin ni Tisay kay Cai sa pagkamatay ni Gab, sinisi pa ni Dodong ito (Yves Flores) sa nangyari.  

Hindi nila alam na tama ang hinala ni Tisay at talagang sinadyang patayin ni Diana si Cai bago pa nito mabunyag ang lahat ng ginawa niya.   

Mapatunayan kaya ni Tisay na si Diana ang may kagagawan nito?   

Sundan ang huling tatlong linggo ng “Bagong Umaga: sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live YouTube channel, ABS-CBN Entertainment Facebook page, at iWantTFC. Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.  

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.  

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 2 PHOTOS FROM THIS ARTICLE