News Releases

English | Tagalog

Pia Toscano, todo-bigay sa pagbirit sa “Kailangan Kita” music video

April 16, 2021 AT 01:56 PM

Pia Toscano sings her heart out in “Kailangan Kita” music video with Troy Laureta

Filipinos were in awe of the collaboration, praising Troy’s efforts to promote OPM globally and appreciating the former “American Idol” season 10 finalist’s commitment to give justice to the song.

Kasama ang Fil-Am music producer na si Troy Laureta…
 
Nakaka-goosebumps ang kaka-release lang na music video ng “Kailangan Kita” na kinanta ng American power belter na si Pia Toscano kasama ang Fil-Am music director na si Troy Laureta.
 
Sa music video na idinirek ni Ace Barro ng NX Agency Co., makikita si Troy na punong-puno ng emosyon sa pagtugtog ng piano habang buong puso naman ang pagkanta ni Pia sa harap ng simpleng itim na background.
 
Todo-puri kaagad ang mga Pilipinong nakanood sa MV na nagpasalamat sa pagpapakilala ni Troy sa OPM sa buong mundo at sa effort ni Pia na mabigyan ng hustisya ang kanta na isinulat ni Ogie Alcasid at pinasikat ni Regine Velasquez.
 

“Thank you so much Troy for promoting OPM to the international scene and for never forgetting your roots,” comment ni Ian Joseph Tagimacruz sa YouTube.
 
“For me, this is the best cover of ‘Kailangan Kita.’ It was beautifully arranged and sang. Thank you Sir Troy and Ms. Pia for giving justice to the song. Congratulations!,” sabi naman ni John Enrique Torrazo.
 
Nauna nang ini-release ni Jake Zyrus ang music video para sa isa pang “KAIBIGAN” track na “Usahay” nitong Pebrero, na nagpapakita ng saya at sakit ng pagmamahal.
 
Kabilang ang “Kailangan Kita” at “Usahay” sa “KAIBIGAN: A Troy Laureta OPM Collective Vol. 1,” kung saan nagsama-sama ang mga tanyag na mang-aawit sa mundo na sina AILEE, Cheesa, Jake, Matt Bloyd, Nicole Scherzinger, Pia, Regine Velasquez, at Sheléa para awitin ang ilang classic OPM ballads.
 
Panoorin ang music video ng “Kailangan Kita” nina Troy at Pia sa ABS-CBN Star Music YouTube channel, at pakinggan ang “Kaibigan: A Troy Laureta OPM Collective Vol. 1” sa iba’t ibang digital music streaming platforms. Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph), at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE