News Releases

English | Tagalog

Francine, bumait matapos makausap si Bro?

April 21, 2021 AT 01:32 PM

Bro reveals Himself to Francine in "Huwag Kang Mangamba"

Follow Mira and Joy's mission weeknights on Kapamilya Channel, A2Z, and TV5.

Bumalik na sa wakas ang pananampalataya ni Joy (Francine Diaz) pagkatapos magpakita ni Bro sa kanya sa ABS-CBN teleseryeng “Huwag Kang Mangamba,” na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
 
Kasabay ng pagbabalik-loob ni Joy ay ang pagtanggap din niya ng misyon mula kay Bro na tulungan si Mira na ibalik ang paniniwala sa Diyos ng mga taga-Hermoso.
 
“Pagtibayin niyo ang samahan ninyo. Kakailanganin niyo ang isa’t isa. Kayo ang magiging tulay ng pagbabalik ng pananampalataya ng mga tao. Hindi magiging madali ang mga pagdadaanan niyo pero malalagpasan ninyo ang lahat kung magkasama at kung may matibay na pananampalataya,” bilin ni Bro kina Mira at Joy.
 
Habang sisimulan na ng dalawa ang kampanya nila para maipatayo ang simbahan sa Hermoso, abala naman ang faith healer na si Deborah (Eula Valdes) sa pagpapalago ng kanyang negosyo.
 
Lihim ding pinapahinto ni Deborah ang imbestigasyon sa isang kalansay na natagpuan sa Hermoso dahil ito ang hindi pa nakikilalang bangkay ng ina ni Joy na pinatay niya at ng kanyang kapatid ilang taon na ang nakakaraan.
 
Paano sisimulan nina Mira at Joy ang kanilang misyon nang magkasama? Mapahinto kaya ni Deborah ang imbestigasyon tungkol sa kalansay?
 
Kumuha ng pag-asa at inspirasyon sa panonood ng “Huwag Kang Mangamba” gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, WeTV, at iflix. Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.
 
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.
 
 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE