News Releases

English | Tagalog

iDolls, parang nanalo sa Miss U sa “Your Face Sounds Familiar Season 3"

April 21, 2021 AT 09:49 AM

iDolls take Week 7 crown as “Your Face Sounds Familiar Season 3” returns with fresh episodes

The trio’s rocking transformation into Bryan Adams, Rod Stewart, at Sting enabled them to edge out their fellow celebrity performers after delivering stellar performances in previous weeks.

Jhong at Geneva, nagbigay ng mensahe

Nakamit ng iDolls ang korona sa Week 7 ng Your Face Sounds Familiar Season 3,” na balik na sa paghahatid ng bagong episodes tuwing Sabado at Linggo sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at A2Z.
 
Naungusan nina Matty Juniosa, Lucas Garcia, at Enzo Almario ang kapwa celebrity performers sa kanilang paglabas bilang sina Bryan Adams, Rod Stewart, at Sting.
 
“Para kaming nanalo ng Miss Universe. Finally!” sambit ni Lucas habang inaabot sa kanila ng birthday boy na si Luis Manzano ang kanilang tropeo at premyong P50,000.
 
Dagdag pa ni Matty, “Sobrang thank you po na ibinigay niyo po sa amin 'yung moment na 'to. We've been working so hard. Nakuha na namin ang timpla.”
 
Tulad ng inasahan, naging mahigpit ang laban matapos bumoto ang jury na sina Ogie Alcasid, Gary Valenciano, at ang humalili kay Sharon Cuneta na si Jed Madela. Pero sa huli, mas maraming natanggap na boto ang tatlong alumni ng “Idol Philippines” mula sa kanilang kasamahan sa hit Kapamilya musical variety competition.
 
Samantala, opisyal nang nagpaalam ang Sample King at bagong ama na si Jhong Hilario sa programa upang masiguro ang kaligtasan ng kaniyang baby girl at kapapanganak na asawa. Ipinaalam din ni Geneva Cruz sa KaFamiliars na hindi muna siya makakalahok sa show upang asikasuhin ang kaniyang ama at anak matapos magkasakit ang ina. Noong Lunes (Abril 19), ibinahagi ng Pop Royalty sa social media na pumanaw na ang kaniyang ina.
 
“I can't wait to go back, and napanood ko kayo ang gagaling niyo. You make me proud and see you guys soon,” sabi niya sa isang video message na ipinalabas sa programa.
 
Samantala, ikinatuwa naman ng pambansang host na si Luis ang hinanda sa kaniyang sorpresa ng “YFSF” family. Bukod sa mga mensahe mula sa kaniyang mahal sa buhay, kinagiliwan din niya ang pagta-transform ng celebrity mentor na si Nyoy Volante bilang kaniyang ina na si Vilma Santos-Recto.
 
Sa pagpapatuloy ang masayang kulitan at pasabog na transformations ngayong weekend, makakasama naman ang icons na sina Apo Hiking Society (iDolls), Elizabeth Ramsey (Lie Reposposa), Lani Misalucha (Klarisse De Guzman), Michael Buble (Christian Bables), Janet Jackson (Vivoree Esclito), at Inigo Pascual (CJ Navato). 
 
Abangan sila sa “Your Face Sounds Familiar Season 3” tuwing Sabado ng 8 pm at Linggo 7:30 pm sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live, at iWantTFC. Panoorin din ang “KaFamiliar Online Live” show nina Darren Espanto at AC Bonifacio sa Kapamilya Online Live tuwing commercial breaks.
 
Para sa nakaraang perfomances pumunta sa official YouTube channel ng “Your Face Sounds Familiar” o sa iWantTFC. I-follow ang @YourFacePH para sa updates sa Facebook, Twitter, at Instagram. Para sa balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom