News Releases

English | Tagalog

Lie, inalay sa ama ang panalo sa Week 8 ng “Your Face Sounds Familiar Season 3”

April 27, 2021 AT 09:39 AM

Lie dedicates week 8 win to dad in “Your Face Sounds Familiar Season 3”

It was an emotional win for Lie in the hit Kapamilya musical variety competition, as she dedicated her Week 8 performance to her father who recently got sick.

Si Lie Reposposa ang tinanghal na bagong weekly winner sa “Your Face Sounds Familiar Season 3” pagkatapos mag-transform bilang Elizabeth Ramsey noong Linggo (Abril 25).
 
Naging emosyonal ang panalo ni Lie dahil inialay niya sa amang may sakit ang kanyang performance sa Week 8 ng hit Kapamilya musical variety competition.
 
“Sobrang saya ko po ngayon talaga kasi 'yung performance ko po talaga dine-dedicate ko po sa Papa ko. Papa, para ito sa'yo para may pang pagamot ka na,” ani ng Pinoy Big Belter sa programa, na mapapanood sa Kapamilya Channel, A2Z, iWantTFC at Kapamilya Online Live.
 
Sa iskor na 28, nakamit ni Lie ang tropeo at P50,000 na premyo para sa linggo. Pinakamalapit niyang ka-kompetensya si Klarisse De Guzman, na umani ng standing ovation mula sa jurors na sina Ogie Alcasid, Gary Valenciano, at Sharon Cuneta sa kanyang paglabas bilang Lani Misalucha. 

Maliban sa mga kalahok, nagpakitang gilas din si Jed Madela na nag-transform bilang Boy George pagkatapos mag-ala Vilma Santos nung nakaraang linggo ng kapwa celebrity mentor na si Nyoy Volante. Ipinarinig din ni Gary ang bago niyang awitin na “Make Us Whole Again.” 

Espesyal ang mga transformation sa darating na weekend dahil dalawa sa icons na gagayahin ay parte ng “YFSF” family. Nakuha ni Klarisse si Sharon, habang si CJ Navato ang gaganap bilang Gary. Kaabang-abang din ang atake ni Vivoree Esclito kay Billie Eilish,  ang pag-awit ni Lie bilang Celine Dion, at paglabas ni Christian Bables bilang James Reid. Sina Dionne Warwick, Elton John, at Stevie Wonder naman ang gagayahin ng Week 7 winners na iDolls.
 
Abangan sila sa “Your Face Sounds Familiar Season 3” kasama ang host na si Luis Manzano tuwing Sabado ng 8 pm at Linggo 7:30 pm sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live, at iWantTFC. Panoorin din ang “KaFamiliar Online Live” show nina Darren Espanto at AC Bonifacio sa Kapamilya Online Live tuwing commercial breaks.
 
Para sa nakaraang perfomances pumunta sa official YouTube channel ng “Your Face Sounds Familiar” o sa iWantTFC. I-follow ang @YourFacePH para sa updates sa Facebook, Twitter, at Instagram. Para sa balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom