News Releases

English | Tagalog

Trending P-Pop group na BGYO nilabas ang "He's Into Her" theme song

April 29, 2021 AT 01:59 PM

Dagdag kilig ang dala ng P-Pop group na BGYO sa fans ng generational series na "He's Into Her" dahil linabas na nito ang theme song ng nasabing series na pinagbibidahan nina Belle Mariano and Donny Pangilinan, noong Biyernes (Abril 23) sa Spotify.   

  

Sinulat at iprinoduce nina Jonathan Manalo at Gabriel Tagadtad ang theme song na magiging bahagi ng official soundtrack ng nasabing palabas.   

  

Ang "He's Into Her" ay hango sa kilalang Wattpad series na may parehas na titulo. Ito ay tungkol sa isang probinsyana na mahihirapang makibagay sa bagong eskwelahang papasukan. Dito niya makikilala ang alpha ng eskwelahan na si Deib Lohr (Donny) na pahihrapan muna siya bago ito ma-in love sa kanya.    

  

Ang BGYO na binubuo nina Gelo, Akira, JL, Mikki, at Nate ay isa sa rising stars ng P-Pop music na madalas maging trending topic sa social media.   

  

“The song will make listeners fall in love again,” sabi ni Gelo. 

 

Ang kanilang debut single na "The Light"ay umani ng lampas 3M views sa YouTube at Facebook mula nang na-release ito nung Enero 29.  

   

Napapanood ang grupo sa "ASAP Natin To" at regular din ang livestreams nila sa kumu.   

  

Araw-araw nagttrend sa social media ang pag-awit ng boy group dahil sa dami ng fans na nag-popost tungkol dito.   

    

Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph) at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).