News Releases

English | Tagalog

Star Magic artists, may bagong tambayan sa kumu

April 07, 2021 AT 12:04 PM

Star Magic artists chill out in new online channel SeenZone

Join the fun in SeenZone's "Star Magic Tambayan," streaming daily at 2 pm on kumu.

Carla Laforteza, singing cook ang peg sa SeenZone channel
 
Hitik sa real talk, musika, at iba pa ang bagong hangout ng ABS-CBN artists na “Star Magic Tambayan” na eksklusibong napapanood sa SeenZone channel, Lunes Hanggang Sabado, 2 pm sa Pinoy livestreaming app na kumu.
 
Abangan ang back-to-back livestream nina Turs Daza at Ramona Vega ngayong Huwebes (April 8), Batit Espiritu at Luis Vera Perez sa Biyernes (April 9), at Eian Rances at Isaiah dela Cruz sa Sabado (April 10) para ibida ang kanilang talento at maghatid ng update tungkol sa kani-kanilang buhay at karera.
 
Pagkakataon naman nina Migo Manikan at Bianca de Vera na bumida sa SeenZone sa Lunes (April 12), KD Estrada at Mark Rivera sa Martes (April 13), Reich Alim at Gigi Delana sa Miyerkules (April 14), Alora at Anji Salvacion sa April 15 (Huwebes), Andre Brouillette at Miko Canosa sa April 16 (Biyernes), at Jamie Salenga at SAB sa April 17 (Sabado).
 
Samantala, hindi lang boses ang ibibida ni Carla Guevara-Laforteza sa food block ng SeenZone na “Tikimmm” kungdi pati na rin cooking tips at recipes.
 
Mapapanood ang theater actress-singer na nagluluto ng mga bagong dishes habang ipinaparinig ang ilang awitin tuwing Martes at Huwebes, 12:30 pm.
 
Ang SeenZone na nga ang bagong all-star, all-day tambayan channel ng ABS-CBN sa lumalaking Kumunity tampok ang iba’t ibang Kapamilya streamers mula Lunes hanggang Sabado, 10:30am hanggang gabi.
 
Bukod sa “Star Magic Tambayan” at “Tikimmm,”handog din ng bagong online channel ang musika sa “Tambay + Gig,” educational shows sa “Ibang Klase,” usapang pamilya sa “Momshies,” at iba pang patok na livestream.
 
Tumambay na sa SeenZone, magdownload ng kumu app, at sundan ang @seenzonechannel. Para sa iba pang Kapamilya updates, sundan ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.
 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE