News Releases

English | Tagalog

Rita at Paulo, mapagtagumpayan kaya ang May-December affair?

April 09, 2021 AT 05:29 PM

Patutunayan nina Rita Avila at Paulo Angeles na hindi hadlang ang agwat ng edad para umibig sa isang two-part special ng "MMK" simula ngayong Sabado (Abril 10).   

  

Hilig ni Ivy (Rita Avila) ang pag-arte sa teatro, ngunit pumayag ito sa hiling ng nobyong si Ian na nag-alok sa kanya ng kasal, na itigil muna ito hanggang hindi sila nagkakaanak.     

  

Pero tuluyan nang hindi nakabalik sa tanghalan si Ivy matapos silang magkaroon ng apat na anak dahil pinigilan ng asawa. 

  

Nagpursige na lang si Ivy para matupad ang pangarap na magkaroon ng sariling eskwelahan. Sa kabila nito, patuloy pa rin ang away ng mag-asawa at dahil dito, napunta sa hiwalayan ang kanilang relasyon.    

  

Sa tulong ng kanyang mga anak at guro, nakabalik si Ivy sa teatro. Dito niya nakilala si Carl (Paulo Angeles), isang binata na nagbabalik-teatro at kailangan i-mentor ni Ivy. Kahit na 16 taon ang agwat ng kanilang edad, muling tumibok ang puso ni Ivy at sumugal sa kanilang relasyon.     

  

Pagsisihan kaya ni Ivy ang desisyon? Si Carl na ba ang maghihilom sa puso ni Ivy na sugatan?     

  

Panoorin ang “MMK” sa Kapamilya Channel (SKYcable channel 8 SD at channel 167 HD, Cignal channel 22,) A2Z (SKYcable Ch 11, Cignal channel 20), Kapamilya Online Live YouTube channel, ABS-CBN Entertainment Facebook page, at iWantTFC. Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.   

 

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o visitwww.abs-cbn.com/newsroom.