News Releases

English | Tagalog

Meryll, may kinupkop na anak sa labas

May 14, 2021 AT 09:06 PM

Hatid ng “MMK” ang isang nakaaantig na kwento ng mapait na pag sakripisyo para sa pamilya sa pagganap ni Meryll Soriano bilang isang babae na tinanggap at minahal ang anak ng kanyang asawa sa ibang karelasyon na gagampanan ni Aljon Mendoza ngayong Sabado (May 15).  

 

Magugunaw ang mundo ni Larcy (Meryll) nang madiskubre niya na may tinatagong relasyon ang asawang si Jun (Manuel Chua) kay Rose (Ingrid de la Paz) at nagbunga pa ito ng isang anak, si Ryan (Aljon Mendoza). Ngunit imbes na iwan ang asawa, tatanggapin nito ang masakit na katotohanan para mabuo muli ang pamilya.   

 

Nang malaman niyang iiwan na ng babae si Jun, nag-alok si Larcy na alagaan si Ryan. Ngunit hindi pa rin maaayos ang relasyon ng mag-asawa. Sa kabila nito, hindi nagsisisi si Larcy sa kanyang desisyong alagaan ang bata.    

 

Ngunit haharap sa isa na namang matinding pagsubok si Larcy dahil matapos ang ilang taon, babalik si Rose para kunin ang anak.

 

Ipagdadamot kaya ni Larcy si Ryan kay Rose? Mababago ba nito ang naging turingan nila bilang ina at anak?   

 

Panoorin ang “MMK” sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live YouTube channel, ABS-CBN Entertainment Facebook page, at iWantTFC. Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.     

 

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o visitwww.abs-cbn.com/newsroom.