News Releases

English | Tagalog

Klarisse, nagpaka-Aretha sa ika-apat na panalo sa “Your Face Sounds Familiar Season 3”

May 18, 2021 AT 03:18 PM

Klarisse tops the week for the fourth time in “Your Face Sounds Familiar Season 3”

This coming weekend, the seven celebrity performers will have their final impersonations before the Grand Showdown.

Huling weekly competition bago ang Grand Showdown, ngayong weekend na! 

Muling pinabilib ni Klarisse de Guzman ang jury at kapwa celebrity performers sa kanyang paglabas bilang Aretha Franklin para manalo sa ika-apat na pagkakataon sa “Your Face Sounds Familiar Season 3.”

Maski nanalo na noon bilang Jaya, Minnie Riperton, at Sharon Cuneta, nakadama pa rin ng pressure si Klarisse sa kanyang paggaya kay Aretha sa hit celebrity musical variety competition, na napapanood sa Kapamilya Channel at A2Z.

“Sobrang challenging kasi ‘yung idols ko idol talaga si Ms. Aretha Franklin. Sobrang icon, and nakaka-pressure pinapanood ko pa lang mga videos niya,” kwento niya matapos ang performance na nakakuha ng 24 puntos, ang pinakamataas na iskor para sa linggo.

“Klarisse pagnagpe-perform ka, you just take us to another place and it’s a place of excitement,” sabi ng juror na si Ogie Alcasid, na tinawag pa si Klarisse na isang “superstar.”

Si Gary Valenciano naman, nilarawan ang performance niya na outstanding, fabulous, at isang blessing.  Bilin naman ni Sharon kay Klarisse, “What you have is a gift from God that is not given to everybody, not even us actually. I hope you use that for the good and for the glory of God because we are big fans of yours over here.”

Bukod kay Klarisse, nakakuha rin ng mataas na puntos ang iDolls, na gumanap bilang Ben & Ben at Moira dela Torre (21 points) habang si CJ Navato (19 points), na umawit bilang John Legend, ay nakakuha naman ng pinakamataas na puntos mula kina Sharon at Ogie.

Sa darating na weekend magaganap ang huling weekly competition bago sumabak sa Grand Showdown ang pitong celebrity performers, na tutulungan ng celebrity mentors na sina Jed Madela and Nyoy Volante.  Abangan si Klarisse bilang Toni Basil, ang iDolls bilang Kiss, si CJ bilang Steven Tyler, si Lie Reposposa bilang KZ Tandingan, si Vivoree Esclito bilang Usher, si Christian Bables bilang Nicki Minaj, at si Geneva Cruz bilang Liza Minnelli.

Huwag palampasin ang  “Your Face Sounds Familiar Season 3” kasama ang host na si Luis Manzano sa darating na Sabado ng 8 pm at Linggo ng 7:30 pm sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live, at iWantTFC. Panoorin din ang “KaFamiliar Online Live” show nina Darren Espanto at AC Bonifacio sa Kapamilya Online Live tuwing commercial breaks.

Para sa nakaraang perfomances pumunta sa official YouTube channel ng “Your Face Sounds Familiar” o sa iWantTFC. I-follow ang @YourFacePH para sa updates sa Facebook, Twitter, at Instagram. Para sa balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom