News Releases

English | Tagalog

Kim, ‘life of the party’ sa “KIMMI” music video

May 19, 2021 AT 10:55 AM

Kim is ‘life of the party’ in “KIMMI” music video

The music video is a fitting spectacle to the electronic Pilipino music (EPM) track composed and produced by "It's Showtime's" DJ M.O.D.

Todo-indak sa bagong summer anthem ng Star Pop
 
K-pop-inspired ang bagong labas na “KIMMI” music video ni Kim Chiu kung saan ibinida niya ang bigating dance moves at bonggang outfits.
 
“Nung nagstart ang pandemic talagang naging super fan ako ng K-pop. I’m in love with their fashion and style especially ‘yung music,” kwento niya.
 

Mapapanood dito ang Kapamilya actress bilang isang production assistant na magigising sa isang panaginip kung saan siya ang ‘star’ ng isang party.
 
Bagay na bagay talaga ang music video sa Star Pop single na isinulat at ipinrodyus ni DJ M.O.D., ang resident musical arranger at DJ ng “It’s Showtime.”
 
“Nagkakasama kami sa ‘It’s Showtime’ halos araw-araw so alam ni DJ M.O.D. ‘yung vibe ko, kaya proud talaga ako na nakapag-collab kami on this song,” dagdag ni Kim.
 
Inilabas mahigit dalawang linggo pa lang ang nakakaraan, ang kantang “KIMMI” na nga ang pinakabagong dance anthem na nagbibigay ng positibong mensahe sa mga Pinoy na i-enjoy ang buhay tulad ng isang party.
 
Patuloy na sumayaw sa tunog ng “KIMMI,” pakinggan ito sa iba’t ibang digital music platforms. Para sa iba pang detalye, sundan ang Star Pop sa Facebook (www.facebook.com/starpopph), Twitter, at Instagram (@starpopph).

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE