News Releases

English | Tagalog

"R.Y.F" single ni Catriona, malalim ang mensahe

May 25, 2021 AT 10:58 AM

Catriona boosts courage, advocates for common good in “R.Y.F” single

Originally slated for 2020, Catriona believes now is the perfect time to release “R.Y.F,” since its theme is more significant than ever amidst today’s trials.

Bagong version ng "Raise Your Flag" anthem
 
Malapit nang mapakinggan ang kantang "R.Y.F" ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na bagong bersyon ng inspiring anthem na "Raise Your Flag" mula sa Star Music.
 
"Hindi na lang tungkol sa isang Filipina na itinaas ang flag natin sa Miss Universe 'yung kanta. Tungkol na rin ito sa journey ng bawat isa sa atin, pagtitiwala sa sarili, at pagpanig sa tama," ani Catriona.
 
Noong 2020 pa dapat ire-release ang "R.Y.F" pero naniniwala si Catriona na ngayon ang tamang panahon para ilabas ang kanta dahil na rin sa swak na mensahe nito sa mga pagsubok na hinaharap ng mundo ngayon. Dagdag niya, kailangan daw na mas maging matapang ang lahat para iparinig ang ating mga boses para sa kapakanan ng ating kapwa.
 

Bukod sa pag-awit ng "R.Y.F," nilagyan din ng 'twist' ni Catriona ang ilang lyrics ng kanta, habang salamin naman ng kahulugan nito para sa kanya ang mapapanood sa music video nito.
 
Kumuha ng inspirasyon mula sa Miss Universe journey ng beauty queen ang 2019 single na "Raise Your Flag” na isinulat nina Trisha Denise at ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo.
 
Layunin ng kanta na palakasin ang loob ng mga nawawalan na ng pag-asa o direksyon sa buhay at orihinal na inawit ni KZ Tandingan kasama si Kritiko na nagsulat at nag-perform ng rap verse nito.
 
Palakasin ang iyong loob kasama si Catriona at pakinggan ang “R.Y.F” sa iba't ibang digital music platforms simula ngayong Biyernes (May 28). Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph) at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 2 PHOTOS FROM THIS ARTICLE