News Releases

English | Tagalog

Jerry Yan, may karibal kay Shen Yue

May 27, 2021 AT 03:40 PM

Kilig, naudlot sa "Count Your Lucky Stars"
 

Mukhang mauudlot na naman ang kilig sa buhay nina Jerry Yan (Calvin Lu) at Shen Yue (Andi) dahil mas magiging malapit sa puso ni Andi si Francis (Miles Wei) sa “Count Your Lucky Stars,” na napapapanood sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.  

Pagkatapos magkalapit sa kasalan ng dalawa nilang malapit na kaibigan, muling magkakalamat ang relasyon nina Andi at Calvin. Nadismaya kasi si Andi dahil isiniwalat ni Calvin ang problema sa ilulunsad sanang bagong tela ng kumpanya nina Andi at Francis imbes na sabihin ito ng diretso sa kanya.

Para maisalba ang kumpanya nilang Yange, nakaisip sina Andi at Francis na mag-propose ng isang sportswear collection, kung saan mas magkakaroon ng maraming oras sa isa’t isa ang dalawa.  

Unti-unti nang nahuhulog ang loob ni Francis kay Andi dahil sa ganda at sipag sa trabaho at tinawag ang dalaga bilang taong kukumpleto sa buhay niya. 

Aamin na kaya si Francis kay Andi? Mapapatawad kaya ni Andi si Calvin? Abangan ‘yan sa “Count Your Lucky Stars” tuwing Lunes hanggang Biyernes, 10 pm  sa Kapamilya Channel (cable), Kapamilya Online Live (Facebook at YouTube), A2Z (free TV), at TV5 (free TV). Para sa ibang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram, o pumunta sa abs-cbn.com/newsroom.