News Releases

English | Tagalog

Ajakada may concert para sa mga Pinoy sa South Korea

May 31, 2021 AT 05:00 PM

Ajakada performs for Pinoys in Jeju, South Korea

Join the Ajakada as they set to end their journey in South Korea's Jeju Island in the last two weeks of "Aja! Aja! Tayo sa Jeju"

Kasama ang SB19 sa 'Aja! Aja! Tayo Sa Jeju' Finale

Concert at ilan pang exciting sight-seeing trips ang inihanda ng Ajakada nina Donny Pangilinan, Kristel Fulgar, Shine Kuk, at Robi Domingo para sa mga chingu at virtual travelers sa darating na finale ng "Aja! Aja! Tayo sa Jeju" ngayong Hunyo sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, at iWantTFC.  

May concert na naghihintay sa Filipino community sa Jeju Island mula sa Ajakada at sa Billboard-nominated boy group na SB19, na aawit ng kanilang hit song na "Go Up."   

Sa mga huling araw nila sa isla, mamimitas ang Ajakada ng tangerine bago lumipad pabalik ng Seoul. Bago naman bumalik sa Manila, tutungo muna ang Ajakada sa Blue House kung saan ito ang official residence ng namumuno ng South Korea at pupuntahan din nila ang kilalang cultural exhibition space na K-Style Hub kung saan mas makikilala pa nila ang makulay na kultura ng bansa.

Layunin ng "Aja! Aja! Tayo Sa Jeju" ng ABS-CBN at ShowBT Philippines na ipakilala ang mga Pilipino sa kultura ng South Korea at ipakita ang ganda ng Jeju Island sa pamamagitan ng mga fun challenge at iba pa. 

Samahan muli ang Ajakada sa pagtatapos ng kanilang paglalakbay sa Jeju Island sa huling dalawang linggo ng "Aja! Aja! Tayo sa Jeju" tuwing Sabado, 10 PM sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, and A2Z.   

Mapapanood naman ang advance episode nito tuwing Huwebes, 8 PM, sa iWantTFC. 

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.