News Releases

English | Tagalog

"Magandang Buhay," magbibigay-pugay sa mga ina sa ika-limang anibersaryo

May 06, 2021 AT 09:07 PM

Samahan sina Karla Estrada, Jolina Magdangal, at Melai Cantiveros bigyang parangal ang mga momshie na nagbigay ng saya at liwanag sa kanilang pamilya at kapwa Pilipino sa gitna ng pandemiya sa pagdiriwang ng ika-limang anibersaryo ng "Magandang Buhay" ngayong Biyernes (Mayo 7). 

 

Tampok ang kwento ng tatlong inang walang pagod na tumutulong sa ating mga kababayan ang pararangalan sa taunang Salamat Momshie Awards.   

 

Aapaw ang saya dahil makikipag-kulitan din ang Multimedia star at Ku-momshie na si Toni Gonzaga sa mga Momshie, kasabay ng pagbabahagi ng mga aral na napulot niya sa kanyang buhay momshie ngayong pandemiya.   

 

May espesyal ding partisipasyon ang nag-iisang Unkabogable star na si Vice Ganda, na naging bahagi na ng “Magandang Buhay” mula sa simula.   

 

Huwag palampasin ang ika-limang anibersaryo ng "Magandang Buhay" bukas nang 11 AM sa A2Z, Kapamilya Channel, at Jeepney TV, sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, iWantTFC, at sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel.