News Releases

English | Tagalog

Joshua Garcia makakachikahan nina Bianca at MJ sa pagbabalik ng "PopCinema"

June 14, 2021 AT 02:17 PM

Bianca and MJ to chat with Joshua Garcia on "PopCinema" S3 premiere

Showbiz-oriented digital talk show "PopCinema" is back for its new season and will now be streaming live every Wednesday at 7 PM on kumu.

 Bagong segment na “TBH,” pupulsuhan ang mga trending

Aarangkada na ang season 3 ng “PopCinema” sa kumu sa bago nitong timeslot tampok ang mas kaabang-abang na showbiz chikahan simula Miyerkules (June 16), 7 pm.

 

Kasama ang hosts na sina Bianca Gonzalez at MJ Felipe, sagot na ng “PopCinema” ang A-list celebrity guests na pangungunahan ng Kapamilya actor na si Joshua Garcia, na bibida sa bagong teleserye na “Viral,” kung saan makakasama niya sina Charlie Dizon, Jake Cuenca, at Dimples Romana.
 
May bagong paandar na segment din ang programa na “TBH,” kung saan mamimili ang hosts ng isang streamer para magbigay ng ‘unpopular opinion’ sa babanggitin nilang trending topic.
 
Bukod sa pagiging talk show na hatid ng FYE Channel at nagtatampok ng mga artista sa masasayang games kasama sina Bianca at MJ, mapapanood din sa “PopCinema” ang pinakapinag-uusapang showbiz happenings.
 
Samantala, papalit naman sa dating timeslot ng “PopCinema” ang bagong show ni Awra Briguela na “Rated Z,” na magla-live sa @fyechannel kada Sabado, 7 pm, simula sa June 19.
 
Tutok na sa bagong season ng “PopCinema” kasama sina Bianca at MJ ngayong Miyerkules, 7pm sa kumu. Mag-download na ng kumu app para sa mapanood ang mas maraming celebrity livestreams at sundan ang @fyechannel.
 
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa “PopCinema,” i-like ang Cinema One sa Facebook at sundan ang @c1nemaone sa Twitter at @cinemaonechannel sa Instagram. Para sa updates, sundan ang ABS-CBN PR sa Facebook (www.facebook.com/abscbnpr), Twitter at Instagram (@abscbnpr) o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.