News Releases

English | Tagalog

Kantang “Sigurado” ni Belle, may paalala para sa mga kabataan

June 16, 2021 AT 11:57 AM

Belle’s debut single “Sigurado” a song about being careful in love

The Star Pop single is now part of the official soundtrack of “He’s Into Her,” the most-talked-about teen series topbilled by Belle and Donny Pangilinan.

DonBelle, may “Sigurado” duet na mapapakinggan na simula Biyernes

Pinasok na rin ng Kapamilya artist na si Belle Mariano ang mundo ng recording sa kanyang debut single na “Sigurado” na tungkol sa pagiging maingat pagdating sa pag-ibig. 
 
Ang kantang hatid ng Star Pop record label ay bahagi ng official soundtrack ng “He’s Into Her,” ang pinag-uusapang teen series na pinagbibidahan mismo ni Belle at Donny Pangilinan na maglalabas din ng kanilang “Sigurado” duet ngayong Biyernes (June 18).
 
Kasunod ng paglabas ng kanta, napapanood na rin ang “Sigurado” music video na meron nang higit 500,000 views sa YouTube. Tampok sa MV na idinirek ni Amiel Kirby Balagtas ang dalagang actress-singer bilang estudyante na tila nahuhulog na ang loob sa isang tao.
 

Bahagi na rin ang kanta ng iba’t ibang Spotify playlists tulad ng “Tatak Pinoy,” “Kilig Pa More,” “OPM Says Chillax,” “OPM Rising,” at “Trending Tracks.” Kabilang din ito sa “Absolute OPM” playlist ng Apple Music.
 
Isang pop ballad tungkol sa young love, nagsisilbing reminder ang kanta para sa makabagong henerasyon na hindi kailangan magmadali sa pakikipagrelasyon pero hindi rin kailangang tumakas kung dumating ang tamang pag-ibig. Ito ay isinulat ni Trisha Denise, iprinodyus ni Rox Santos, at inarrange ni Tommy Katigbak.
 
Patuloy na pakinggan ang kantang “Sigurado” na hatid ni Belle sa iba’t ibang music streaming platforms. Para sa iba pang detalye, sundan ang Star Pop sa Facebook (www.facebook.com/starpopph) at sa Twitter at Instagram (@starpopph).

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE