News Releases

English | Tagalog

Talakan ng mga beki sa "Miss Q & A,” ibabalik ng "It's Showtime" sa Kumu

June 16, 2021 AT 11:43 AM

“It's Showtime's" iconic “Miss Q & A” pageant returns to Kumu

Download Kumu now to audition for the online competition!

Mag-download na ng Kumu para mag-audition!

Magiging makulay ang talakan sa social media sa pagbabalik ng “Miss Q & A” sa Kumu app ngayong Hunyo, kaya’t imbitado ang lahat ng mga beki sa buong mundo na sumali sa sikat na tagisan ng kudaan ng “It’s Showtime.”
 
Nagbukas na ang worldwide auditions para sa bagong edisyon nitong pinamagatang “Miss Q & A: The Search for KUMUkudaan Queen” para sa mga beki na mahilig dumaldal at may edad 18 at pataas.
 
Para mag-audition, mag-download lang ng Kumu app at magrehistro para makagawa ng account.
 
Sa sariling account, mag-post ng isang minutong video suot ang palabang outfit, ipakilala ang sarili gamit ang isang pangmalakasang intro, at ipahayag kung bakit karapat-dapat na maging “Miss Q & A KUMUkudaan Queen.”
 
Sa mismong entry o post, isulat ang pangalan, edad, at ang siyudad o probinsyang pinanggalingan at gamitin ang official hashtag na #MissQandAonKUMU. Kasunod nito, pindutin ang “publish” at ibahagi ang post sa iba’t ibang social media accounts.
 
Isang video audition bawat Kumu account lamang ang kikilalanin ng “It’s Showtime.” Tatanggap naman ng mga entry ang programa hanggang Hunyo 25.
 
I-download na ang Kumu app at sundan ang @itsShowtimeNa para makakuha ng updates. Para makita ang kumpletong mechanics at terms at conditions, bisitahin ang app.kumu.ph/MissQandA.
 
Mag-subscribe naman sa youtube.com/ShowtimeOnlineUniverse para mapanood ang saya at kulitang hatid ng “It’s Showtime” mula Lunes hanggang Sabado ng tanghali.