News Releases

English | Tagalog

Markus, Jhong, Baron, Ryan, ibibida ang pagiging ama sa "Paano Kita Mapasasalamatan" anniversary special

June 16, 2021 AT 02:03 PM

Kapamilya dads talk about fatherhood in "Paano Kita Mapasasalamatan" anniversary special

Juday celebrates Father’s Day with Markus, Jhong, Baron, and Ryan

Sa pagdiriwang ng Father’s Day ngayong linggo

Ibabahagi nina Markus Paterson, Jhong Hilario, Baron Geisler, at Ryan Agoncillo kung paano nabago ng pagiging isang ama ang mga buhay nila sa espesyal na anniversary episode ng “Paano Kita Mapasasalamatan” sa pangunguna ni Judy Ann Santos-Agoncillo ngayong Sabado (June 19).

Bagama’t 23 anyos pa lang si Markus, nagagawa niyang maging isang mabuti at maalagang ama kay baby Jude dahil sa tulong ng girlfriend niyang si Janella Salvador.

Natupad naman ang mga pangarap ni Jhong nang makabuo siya ng sarili niyang pamilya at mabuntis ang kanyang partner. Tulad ng pag-aaruga sa kanya ng kanyang tatay, gusto niya ring iparanas ito sa kanyang anak.

Madami namang natututunan si Baron bilang stepfather sa dalawang anak ng kanyang asawa, bago sila nagkaroon ng sariling anak na babae ni misis.

Labis din ang pasasalamat ni Ryan na katuwang niya si Juday sa lahat ng laban ng buhay bilang ama sa tatlo nilang anak.

Panoorin ang special anniversary episode ng “Paano Kita Mapasasalamatan” ngayong Sabado (Hunyo 19), 7 PM sa Kapamilya Channel sa cable TV, A2Z sa free TV at digital TV boxes, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at ABS-CBN Entertainment Facebook page, iWantTFC, at TFC.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.