News Releases

English | Tagalog

Dominic, iipitin ni Nonie sa "Huwag Kang Mangamba"

June 23, 2021 AT 01:34 PM

Gagawing pain ni Mayor Simon (Nonie Buencamino) ang pamilya ng katiwala niyang si Tomas (Dominic Ochoa) para mapilitan itong linisin ang sikreto ng kanilang pamilya ngayong linggo sa teleseryeng “Huwag Kang Mangamba,” na napapanood sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

 

Pagkatapos malaman ni Simon ang itinatagong relasyon ng apo niyang si Miguel (RK Bagatsing) sa isang lalaki, uutusan niya si Tomas na patayin ang nobyo ni Miguel na si Diego (Rafael Rosell). Ito ay dahil na rin sa takot ni Simon na maisapubliko ang ugnayan na maaaring makasira sa kampanya ni Miguel bilang alkalde ng Hermoso.

 

Dahil sa kutob niyang tatanggihan siya ng kanyang tauhan, ipapa-kidnap ng makapangyarihang pulitiko ang mag-ina ni Tomas na sina Rebecca at Pio (Matet De Leon at Seth Fedelin) para gamitin itong bala sa pagpapasunod kay Tomas. Ito na rin ang paniningil ni Mayor Simon kay Tomas sa pagtatraydor nito sa kanya at pagsuporta kina Mira at Joy (Andrea Brillantes at Francine Diaz).

 

Habang wala pang nakakaalam sa lihim ni Miguel, unti-unti namang nadidiskubre ng mamamahayag na si Eva (Mylene Dizon) ang mga ebidensyang magpapatunay na pineke ni Deborah (Eula Valdes) ang himalang pagpapaulan nito ng petal mula sa langit.

 

Paano makakatakas si Tomas mula sa pangingikil sa kanya ni Mayor Simon? Saan hahantong ang kasakiman at kasamaan nina Simon at Deborah?

 

 

Gain inspiration from the inspirational series “Huwag Kang Mangamba,” airing weeknights on the Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, WeTV, and iflix. Viewers who use any digital TV box at home such as the TVplus box only need to rescan their device to be able to watch “Huwag Kang Mangamba” on TV5 and A2Z. Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.

 

For updates, follow @abscbnpr on Facebook, Twitter, and Instagram or visit www.abs-cbn.com/newsroom.