News Releases

English | Tagalog

TNT finalist na si Makki Lucino, may sariling bersyon ng “She Used to Be Mine”

June 24, 2021 AT 05:15 PM

TNT finalist Makki Lucino drops “She Used to Be Mine” single

Dubbed as the “Queer of Soul,” Makki aims to represent the LGBTQ+ community and inspire Filipinos through her heartfelt performances and music releases.

Alay ng “Queer of Soul” para sa LGBTQ+ community

Bibigyan ng bagong kahulugan ng “Tawag ng Tanghalan” season 4 grand finalist na si Makki Lucino ang ballad na “She Used to Be Mine,” sa sariling rendisyon niya ng kanta na mapapakinggan na simula bukas (June 25).

“Gusto naming maging paalala ito sa lahat na ‘wag matakot sa pagbabago, na laging i-celebrate ang buhay, at yakapin ang journey natin,” ani Makki, na una nang pinerform ang kanta bilang contestant sa “Tawag ng Tanghalan.”

“Kinanta ko po siya sa ‘Tawag Ng Tanghalan’ bago makapasok ng top 6, 'yung feedback po ay na-touch 'yung mga tao, naiyak sila. 'Yun po 'yung maganda, na I was able to touch other people's hearts,” dagdag niya.

Ayon kay Makki, gusto niyang kumatawan sa LGBTQ+ community at magdala ng inspirasyon sa mga Pilipino gamit ang madamdamin niyang performances at mga ilalabas na kanta—na uumpisahan ng bersyon niya ng “She Used to Be Mine.”

Isinulat at kinompose ng American singer-songwriter na si Sara Bareilles ang kanta para sa musical na “Waitress,” na ipinaparamdam ang emosyon ng isang taong hindi na makilala ang dati at kasalukuyan niyang pagkatao, pati na ang pagtataka kung sino siya ngayon kung naiba ang kanyang sitwasyon.

Samantala, matapos ang “Tawag ng Tanghalan” journey niya, sumabak na rin sa livestreaming sa kumu si Makki sa sa “Queer of Soul,” na napapanood sa SeenZone channel (@seenzonechannel) at guestings sa FYE Channel at MYX.

Pakinggan ang rendisyon ni Makki ng “She Used to Be Mine” simula bukas (June 25) sa iba’t ibang digital music streaming services. Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph) at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE