News Releases

English | Tagalog

Makulay na performances, bibida ngayong 'Pride Sunday' sa 'ASAP Natin 'To'

June 25, 2021 AT 05:13 PM

'ASAP Natin 'To' celebrates Pride Month with colorful performances

It's going to be a colorful "pride" weekend stacked with all-star performances from the country's longest-running musical variety show, "ASAP Natin 'To," this Sunday, 12 NN

Ika-10 na anibersaryo ng ABS-CBN Film Restoration, ipagdiriwang 

Tiyak na magiging makulay ang inyong weekend dahil sa mga all-star performance mula sa inyong paboritong Kapamilya stars ngayong Pride Sunday (Hunyo 27) sa "ASAP Natin 'To" sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.   

May proudly Pinoy OPM performance na hatid sa inyo ang mga paborito ninyong singer, tulad nina Ogie Alcasid, Erik Santos, Elaine Duran, Nina, Klarisse de Guzman, Lie Reposposa, Jed Madela, Jason Dy, at Concert King Martin Nievera.    

Maki-hataw naman sa SexBomb dance showdown nina AC Bonifacio, Vivoree Esclito, at ASAP dance royalty Kim Chiu. May exciting treats pa sina Janella Salvador, all-girl P-Pop group na BINI, at ang single launch ni Maymay Entrata kasama ang ASAP dance hotties na sina hotties Enchong Dee, Jameson Blake, at Joao Constancia.   

Abangan din ang mga all-star collab sa ASAP stage, tulad ng pure energy performance nina Gary Valenciano, Kyle Echarri, at Asia's Pop Heartthrob Darren; at ang nag-iinit na pagsasama nina Asia's Soul Supreme KZ at Asia's Phoenix Morisette.  

Samantala, patuloy ang show-stopping biritan ng new-gen ASAP divas na sina Elha Nympha, Sheena Belarmino, Zephanie, at Janine Berdin, at maging loud and proud sa pride performance ni Asia's Songbird Regine Velasquez sa "ASAP Transformation."   

Bibigyang pugay naman ng "ASAP Natin 'To" ang ika-10 anibersaryo ng ABS-CBN Film Restoration sa paglulunsad ng "Nais" music video. Sa panulat nina Robert Calma at Jonathan Manalo, ang "Nais" ay inawit ni Erik Santos at maririnig na rin sa ASAP stage. Sasamahan si Erik ng world-class OPM stars na sina Ogie Alcasid, Regine Velasquez, Angeline Quinto, Martin Nievera, Gary Valenciano, at Zsa Zsa Padilla.   

Talagang makulay ang Linggo dahil sa all-star performances mula sa longest-running musical variety show sa bansa, ang "ASAP Natin 'To," 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC. Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.   

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.  

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 2 PHOTOS FROM THIS ARTICLE