News Releases

English | Tagalog

“Midsummer High” ng bandang Nameless Kids, mapapakinggan na

June 03, 2021 AT 02:24 PM

Nameless Kids’ “Midsummer High” single evokes bliss of summer

The chill yet invigorating track perfectly sums up the euphoria of young love during heat of the summer and the road trips to unforgettable beach getaways.

Pahabol sa tag-init ang bagong single ng rising OPM band na Nameless Kids na “Midsummer High” mula sa DNA Music label ng ABS-CBN.
 
Chill pero nakaka-energize ang kanta na siguradong patok para sa mga mahilig sa musika ni Lauv at ng LANY at The 1975. Tampok sa kanta ang saya na dala ng pag-ibig sa summer at mga ‘di malilimutang road trips papunta sa beach.
 
Binubuo nina Nhiko Sabiniano (keys), Kyle Perry (guitar), Kim Allen (guitar), Tati De Mesa (bass), at Imay Alconaba (drums) ang banda. Kahit galing sa iba’t ibang background, nagsama-sama sila bilang Nameless Kids para makagawa ng musika na kumuha ng inspirasyon sa sari-sarili nilang music influences.
 

Ngayon ay bahagi na ng OPM New Hits playlist ng MusicShare at Fresh Finds Philippines at Slo Down -チル・ポップ- playlists ng Spotify ang kantang “Midsummer High.” Natuwa naman ang ilang netizens sa intense summer vibes na dala ng kanta lalo na’t marami ang nasa bahay pa rin ngayong summer dahil sa pandemya.
 
“Another year we missed the summer. Grabe ang vibes! Kudos,” comment ni Althea Aranas sa YouTube.
 
“This is gorgeous. Will definitely listen while driving my car with the windows down. Perfect,” dagdag ng isa pang YouTube user.
 
Isinulat at kinompose ng band members na sina Nhiko, Kim, at Kyle ang “Midsummer High,” habang ipinrodyus naman ito ng buong banda kasama si ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo.
 
Damhin ang natitirang araw ng tag-init at pakinggan ang “Midsummer High” ng Nameless Kids sa iba’t ibang digital music platforms. Panoorin din ang visualizer ng kanta sa YouTube channel ng banda at Facebook ng DNA Music.  Para sa iba pang detalye,sundan ang DNA Music sa Facebook (www.facebook.com/dnamusicph), Twitter at Instagram (@dnamusicph).

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE