News Releases

English | Tagalog

Bagong single ni Yeng na “Kumapit,” maghahatid ng lakas at pag-asa

June 09, 2021 AT 03:14 PM

Yeng to release inspirational track “Kumapit” on June 11

The song's lyrics remind listeners that though God may not be physically present, His love and acceptance is always available for everyone.

Nagbabalik si Yeng Constantino para maghatid ng inspirasyon gamit ang musika sa bago niyang single na “Kumapit,” tungkol sa halaga ng pagtitiwala sa Diyos sa gitna ng mga pagsubok na mapapakinggan simula sa Biyernes (June 11).
 
Isang piano ballad ang kanta kung saan tampok ang emosyonal na pag-awit ng Kapamilya singer at ang lyrics na nagpapaalalang kahit hindi man nakikita ng mga tao ang Diyos ay palagi Siyang handa na magbigay ng pagmamahal at pagtanggap sa lahat.
 
“Sana habang pinapakinggan nyo ‘to mabigyan kayo nito ng pag-asa, lakas ng loob and kalakasan. Laging nandyan ang Diyos para sa’tin! Kumapit lang tayo sa Kanya,” ani Yeng.
 
Kolaborasyon ng Star Music at Reverb Worship ng CBN Asia ang “Kumapit” na isinulat at kinompose ni Yeng, in-arrange ni Tommy Katigbak, at ipinrodyus ni ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo.
 
Ito ang unang solo music release ni Yeng ngayong 2021 matapos niyang i-release ang “Dasal” noong 2020. Nag-record din siya ng duet kasama si Piolo Pascual noong isang taon para sa single nitong “Iiyak Sa Ulan.”
 
‘Wag bumitaw sa pag-ibig ng Diyos at pakinggan ang “Kumapit” ni Yeng sa iba’t ibang digital music streaming services simula sa Byernes (June 11). Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph) at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE