News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN, naghahanap ng bagong "boy next door star"

July 01, 2021 AT 03:03 PM



Madadagdagan na naman ng Kapamilya star na magpapakilig sa mga manonood dahil hatid ng ABS-CBN Star Hunt at Star Magic ang bagong edisyon ng kanilang online star search, ang "Bida Star: Boy Next Door."

 

Nitong Hunyo 30 (Miyerkules), naipakilala na ang 50 hopefuls na napili mula sa daang-daang nag-audition sa kumu na matatagisan linggo-linggo para patunayan na sila ang susunod na magiging ganap na artista ng ABS-CBN. Subaybayan sila sa Facebook page at YouTube channel ng Star Hunt mula Martes hanggang Biyernes, 6PM.

 

Samantala, makipagtsikahan at kilalanin ang contestants tuwing Miyerkules, 2 PM hanggang 4 PM sa kumu (@starhuntabscbn) kasama ang Ultimate Bida Star Gandang Naturally Fresh winner, Ruth Paga.

 

Mapalad naman ang nasabing finalists sa "Bida Star: Boy Next Door" dahil marami silang matutunan sa mentors na sina Direk Rahyan Carlos, ang head ng Star Magic Workshop, Raymund Dizon, ang head ng Star Hunt Management, at Alex Asuncion na head ng TV Production Digital Group.

 

Bongga naman ang premyong matatanggap ng Ultimate Bida Star, kasama dito ang ABS-CBN management contract, Star Magic Workshop Scholarship, sariling digital show, tsansa na makasama ang ilang Kapamilya stars sa isang digital film, at P50,000. 

 

Makakasama pa rin sina Karina Bautista at Aljon Mendoza bilang hosts nito pati na sina Kaori Oinuma at Rhys Miguel.

  

Para sa updates tungkol sa “Bida Star,” i-follow lang ang Star Hunt sa Facebook (@starhuntabscbn), Kumu (@starhuntabscbn), Twitter (@starhuntabscbn), Instagram (@starhuntabscbn), at Tiktok (@starhuntabscbn).