News Releases

English | Tagalog

Coco, mag-isang hahamunin ang Black Ops sa "FPJ's Ang Probinsyano"

July 13, 2021 AT 11:06 AM

Coco goes solo in attack versus Black Ops in "FPJ's Ang Probinsyano"

Will Cardo be able to survive another bloody encounter against Black Ops?

Wala nang makakapigil sa paghihiganti ni Cardo (Coco Martin) dahil mag-isa niyang susugurin ang buong pwersa ng Black Ops sa maaaksyong eksena ngayong linggo sa “FPJ’s Ang Probinsyano,” na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Isang matinding pagsubok ang haharapin ni Cardo dahil makakabanggaan niya muli ang buong grupo ng Black Ops ni Maj. Albert (Geoff Eigenmann), sa patuloy niyang laban para makamit ang hustisya sa pagkamatay ng kanyang asawa.

Gagamitin ni Cardo ang pagbabalik ni Lia (Jane De Leon) sa serbisyo upang pasukin ang kanilang teritoryo. Ngunit, manganganib si Cardo sa mga kalaban dahil hindi niya ipinaalam sa Task Force Agila ang plano niyang pag-atake.

Handa namang pigain ng Black Ops si Lia sa kanyang pagbabalik-trabaho dahil lalong lumalakas ang kanilang kutob na sikreto siyang nakikipag-sabwatan sa kaaway nilang si Cardo.

Mapapaamin kaya ng Black Ops si Lia? Magtatagumpay ba si Cardo sa engkwentro niya laban sa Black Ops?

Huwag palampasin ang mga maaaksyong eksena sa “FPJ’s Ang Probinsyano” gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, CineMo, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, iWantTFC, WeTV, at iflix. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode ng “FPJ’s Ang Probinsyano.” Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang abscbnpr.com