News Releases

English | Tagalog

Sikat na K-Pop artists, tampok sa KTX.PH

July 15, 2021 AT 10:46 AM

Handog ng KTX.PH sa darating na Sabado (Hulyo 17) ang pinakahihintay na concert na “Together Again," tampok ang 26 sa mga pinakamaningning na K-Pop groups tulad ng NCT Dream, Oh My Girl, Brave Girls, BTOB, Momoland, ONF, AB6IX, CIX, at iba pa. 

  

  

Mula sa Korea Entertainment Management Association (KEMA), pinangungunahan ito ng sikat na K-Pop boy groups tulad ng NCT Dream, ang ikatlong sub-unit ng boy band na NCT na nakasungkit ng ika-anim nilang No.1 album sa South Korea, ang "Hello Future." Kasama nila ang beteranong grupo na BTOB na sumikat naman dahil sa kantang "Missing You." 

  

Mapapanood din sa Sabado ang Momoland na nakipagsanib-pwersa ng Chromance para sa bagong bersyon ng "Wrap Me Up In Plastic" na pumatok ulit sa sa K-Pop world. Abangan ang rising group na ONF na umingay matapos umani ng 16 million views ang bago nilang single na "Beautiful, Beautiful.” 

  

Huwag din palampasin ang girl group na Brave Girls sumikat matapos mag-viral ang performance nila ng single na "Rollin" at ang AB6IX na nag-labas ng EP na “Mo' Complete: Have a Dream” ngayong taon. Isa pang dapat abangan ang grupo ng Oh My Girl. 

  

Nagbabalik naman sa concert scene ang grupong CIX. Nitong Hulyo 13 lamang ay naglabas sila ng short film na "Be Ok," isang teaser para sa kauna-unahan nilang full length album na "Ok." 

  

Panoorin sila at iba pang sikat na K-Pop artists sa minsang pagsanib-pwersa sa "Together Again" sa halagang P499 na mabibili sa KTX.PH