News Releases

English | Tagalog

VIP tickets ng concert ng 'He's Into Her,' sold out na

July 15, 2021 AT 05:49 PM

Patindi nang patindi ang kilig para sa "He's Into Her: The Benison Ball," ang special online concert ng hit weekly series na pagbibidahan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano sa Agusto 6 eksklusibo sa KTX.PH matapos ibahagi ng Star Cinema na sold out na ang VIP tickets para dito tatlong araw pa lang mula nang ilabas ito.  

 

Makakasama ang VIP ticketholders sa after party nang live at makaka-interact nito ang cast, pero may pagkakataon pa rin ang marami pang fans na makakuha ng general admission access sa KTX.PH. Para mapanood ang concert at ang fan conference, bilhin lang ang ticket nito na nagkakahalagang P99. 

 

Siguradong sulit ang panonood nito dahil puno ito ng musika at saya sa pagdalo ng buong cast, pero dapat ring abangan ng fans ang pag-announce ng special guests soon.    

 

Samantala, umapaw na ang kilig ng mga manonood dahil inamin na sa wakas ni Deib (Donny) ang kanyang nararamdam para kay Maxpein (Belle), na ngayo’y nagpapagaling pa matapos pagtangkaang saktan sa loob ng Benison. Pinigilan man si Deib ni Maxpein dahil pinagbabawalan ito ng ama, determinado ang binata na ligawan ang dalaga. 

 

Pero laking gulat ng lahat dahil biglang nagbalik na rin sa Benison High ang babaeng unang inibig ni Deib na si Kim (Dalia Varde). Makagulo kaya ito sa diskarte ni Deib? Aminin naman kaya ni Elle na alam niya kung sino ang may kagagawan sa pag-attack sa kanyang kapatid?

 

 

Abangan ang “He’s Into Her” sa iWantTFC tuwing Biyernes, at sa Kapamilya Channel, A2Z, TFC at sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment tuwing Linggo.