News Releases

English | Tagalog

"He's Into Her," number 1 show sa iWantTFC sa ika-4 na linggo

July 02, 2021 AT 02:08 PM

Patuloy na tinutukan ng online viewers ang bagong Star Cinema series na tampok ang hot young stars na sina Donny Pangilinan at Belle Mariano na "He's Into Her" dahil number one pa rin ito sa most-watched shows sa iWantTFC sa ika-apat na Linggo mula nang mag-pemiere. 

  

Nitong huling episode, tinuldukan na ni Deib (Donny) ang pambubully kay Maxpein (Belle) matapos magkakilala ang dalawa nang mas malalim habang ginagawa ang school project na binigay sa kanila ng principal.    

  

Hindi nagtagal, pinuri na ni Maxpein si Deib sa harap ng ina ng binata, bagay na ikinagulat nito. Nang kanilang ipakita sa mga schoolmates ang kanilang project, humingi ng tawad si Deib sa lahat ng kanyang nabiktima habang humingi rin ng paumanhin si Maxpein sa lahat ng kanyang hinusgahan ang pagkatao.  Sa nangyaring pagpapatawaran, mag-level up din kaya ang friendship ng dalawa?   

 

Napapanood rin tuwing Linggo, 8:45 PM sa Kapamilya Channel at A2Z, nagtala ito ng viewing records na nagtulak dito para maging top free entertainment mobile app sa bansa.   

  

Naging most talked about show rin ito sa social media noong Mayo at umabot ng sixth place sa TheWit.com’s Social Wit List, isang listahan ng mga palabas na pinag-usapan sa Instagram.   

 

Batay ang “He’s Into Her” sa Precious Pages-LIB novel tungkol sa dalawang estudyante na hindi magkasundo sa umpisa ngunit madidiskubre nilang may pagkakapareho sila.

 

Panoorin ang susunod na episode ng “He’s Into Her” sa Kapamilya Channel, A2Z, TFC, at sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment sa Linggo (Hunyo 27).