News Releases

English | Tagalog

Daniel, Kim, Nadine, at iba pa, tampok sa best-of-the-best party ng 'ASAP Natin 'To'

July 30, 2021 AT 01:24 PM

Daniel, Kim, Nadine, and more headline best-of-the-best party on 'ASAP Natin 'To'

It's surely a non-stop best-of-the-best celebration this Sunday on the country's longest-running musical variety show, "ASAP Natin 'To," 12 NN

Inspiring number ng bigating Kapamilya divas, balikan

Sunod-sunod na all-star performance mula sa mga naglalakihang Kapamilya idol kasama sina Daniel Padilla, Kim Chiu, Nadine Lustre, at marami pa ang sasalubong sa mga manonood ngayong Linggo (Agosto 1) sa non-stop best-of-the-best party ng "ASAP Natin 'To" sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.  

Maki-awit muli kasama ang mga paborito ninyong singer, tulad nina Kapamilya crooner Daniel Padilla; Asia's Pop Heartthrob Darren at Zack Tabudlo; at Janine Gutierrez kasama ang mga OPM hitmaker na sina Martin Nievera, Ogie Alcasid, at Gary Valenciano.   

Hindi pahuhuli sa hatawan ang ASAP dance royalty na si Kim Chiu, kasama sina Maymay Entrata at Vivoree Esclito. May trending sayawan pa mula kina AC Bonifacio at Niana Guerrero, pati ang nag-iinit na dance showdown nina Enchong Dee, Jameson Blake, Jin Macapagal, Jeremy Glinoga, Lance Carr, at Tan Rocal.   

Balikan din ang fearless P-Pop number ng BINI, at ma-in love muli sa kilig treat ng Kapamilya loveteam nina Donny Pangilinan at Belle Mariano. Samantala, paiinitin naman nina Yassi Pressman at Nadine Lustre ang ASAP stage sa kanilang nagbabagang performances.  

Mamangha rin sa inspiring biritan ng mga Kapamilya diva na sina finest Kapamilya divas Angeline Quinto, Klarisse de Guzman, Jona, Yeng Constantino, at Asia's Songbird Regine Velasquez.  

Huwag ding palampasin ang bigating vocal showdown nina Martin Nievera, Regine Velasquez, Erik Santos, Jed Madela, Jason Dy, Nina, at Klarisse de Guzman. 

Talagang non-stop ang best-of-the-best celebration ngayong Linggo sa longest-running musical variety show sa bansa, ang "ASAP Natin 'To," 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC. Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.    

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.