News Releases

English | Tagalog

JM, babawiin ang pamilya sa "Init sa Magdamag""

August 01, 2021 AT 09:56 AM

Patuloy ang pagbabalak ni Peterson (JM de Guzman) ng masama para mabawi ang kanyang pamilya sa harap ng pagtalikod ni Rita (Yam Concepcion) sa kanilang relasyon sa nagbabagang serye na “Init sa Magdamag,' na napapanood gabi-gabi sa TV5, A2Z, Kapamilya Channel, at Jeepney TV. 

Sa kanyang pagbisita kina Rita at anak na si Andrew, sinubukan ni Peterson kunin ang loob ng asawa sa dala nitong balitang naibalik na niya ang Vela Mines sa tunay na may ari. Masaya man si Rita sa narinig, pinakita nitong nais na talaga niiyang iwan ang asawa. 

Hindi nagustuhan ni Peterson ang narinig kaya nang dumating sina Tupe (Gerald Anderson) at Hannah (Alexa Ilacad), galit nitong itinaboy ang magkapatid at sinabing walang karapatan si Tupe sa bata. Ngunit nakapagdesisyon na si Rita na bibigyan nito ng pagkakataong maging bahagi ng buhay ng kanilang anak so Tupe. Hindi nagtagal, naghinala na naman si Peterson na pinagtataksilan lang siya ng asawa at nangako sa sarili na babawiin nito ang lahat ng nawala sa kanya.   

Saan dadalhin si Peterson ng kanyang galit? Kailan mahahanap ni Rita ang payapang buhay?   

Mula sa Star Creatives, ang “Init Sa Magdamag” ay nasa ilalim ng creative management ni Henry Quitain at direksyon nina Ian Lorenos at Raymond Ocampo.  

Panoorin ang “Init sa Magdamag” gabi-gabi, 9:20 sa TV5, A2Z, Kapamilya Channel, Jeepney TV at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. Sa labas ng bansa, ito ay mapapanood sa The Filipino Channel habang ang advance episodes nito ay nasa iWantTFC at WeTV iflix.  

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.