News Releases

English | Tagalog

Dominic, sasagabal sa pag-iibigan ng JoRox sa “Hoy, Love You” sa Kapamilya Channel

August 11, 2021 AT 07:40 PM

Dominic and Joross fight for Roxanne’s heart in “Hoy, Love You” on Kapamilya Channel

This Saturday (August 14), Richard and Jules will continue to try to outdo each other as they fight for the heart of Marge, who is confused as to who she will choose between the two.

“Hoy, Love You,” may sorpresa sa fans ngayong Sabado 

Nanganganib na maudlot ang pag-iibigan nina Jules (Joross Gamboa) at Marge (Roxanne Guinoo-Yap) sa bagong kinagigiliwan at kinakikiligang programa sa Kapamilya Channel at A2Z na “Hoy, Love You.”

Noong Sabado (Agosto 7) kasi, sorpresang dumating si Richard (Dominic Ochoa), ang dating ka-relasyon ni Marge, matapos mawala ng 16 taon sa buhay niya at ng anak nilang si Charles (Aljon Mendoza).

Dahil sa pagkabigla ng lahat, nabalewala tuloy ang romantikong proposal ni Jules kay Marge, kung saan ginawa pa nitong singsing ang pako na nagkaroon ng papel sa kanilang biglaang pagiging malapit sa isa’t isa.

Sa susunod na episode ngayong Sabado (Agosto 14), magtutuloy ang paandaran nina Jules at Richard para makuha ang loob ni Marge, na naguguluhan kung kanino niya bubuksan ang puso. Kay Richard ba na dati niyang mahal at ama ng kanyang anak? O kay Jules na bago niyang kilala at muling nagdala sa kanya ng saya?

Samantala, kaabang-abang din ang masayang hiritan nina Madam Elizabeth (Carmi Martin) at Keanna Reeves (Aling Malu) at ang harutan ng mga kaibigan ni Jules na sina Bart (Yamyam Gucong), Tommy (Pepe Herrera), at Drew (TJ Valderrama). Ikinatutuwa rin ng fans ang mga pa-simpleng throwback ng “Hoy, Love You” sa mga kasabayan nina Joross at Roxanne sa Star Circle Quest na si Neri Naig-Miranda at Sandara Park. Larawan ni Neri ang ginamit para sa namayapang asawa ni Jules habang ginamit namang pang-harana ang awiting “In or Out” ni Sandara.

Isa nanamang mahalagang anunsyo mula sa cast ang naghihintay sa fans ng “Hoy, Love You” ngayong Sabado sa social media accounts ng iWantTFC.  Kamakailan lang, ibinalita na magkakaroon ng Season 2 ang programa na kinuhanan pa rin sa Submarine Garden Beach Resort sa Lobo, Batangas.  

Abangan ang iba pang laugh trip at kilig moments sa pagpapatuloy ng romantic comedy series na ito mula sa ABS-CBN Entertainment, na unang naghatid ng liwanag at ligaya sa iWantTFC noong Enero. Panoorin ang “Hoy, Love You” sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live, at iWantTFC tuwing Sabado ng 9:30 pm. Para sa ibang ABS-CBN updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok, o bumisita sa www.abs-cbn.com/newsroom.