News Releases

English | Tagalog

Pagpapakilig nina Adrian at Keann sa "Love Beneath the Stars," trending sa social media

August 17, 2021 AT 06:48 PM

May bagong episode na libre sa iWantTFC kada Lunes ng gabi

Waging wagi sa kilig ang fans na naghintay sa “Love Beneath the Stars” nina Adrian Lindayag at Keann Johnson kaya naman inabangan nila ang premiere nito sa iWantTFC at mainit na pinag-usapan sa social media.

Trending sa Twitter Philippines ang unang episode ng serye kung saan napanood ang lumalalim na pag-iibigan nina Luke (Keann) at Dominic (Adrian) at lambingan sa isa’t isa. Ipinakilala rin ang karakter ni Gio (Vaughn Piczon), ang kababata ni Dominic na maaaring maging sagabal sa relasyon ng dalawa.

Dumagsa rin ang mga positibong komento sa social media tungkol sa mga nakakakilig na eksena sa serye, na nagsisilbing kadugtong ng pelikulang “The Boy Foretold by the Stars.”

“Gusto ko itong magdedesisyon talaga silang dalawa na magkasama at harapin ang lahat ng darating nang magkahawak ang kamay. Ang ganda ng pakiramdam na may solid support as you figure things out. Ang ganda ng ganyang klaseng assurance,” sabi ng Twitter user na si @ppatpranss.

Ayon naman kay @thesuperkayow, “Love Beneath the Stars episode 1 – Hindi ko in-expect na magiging ganito kaganda? Ang ganda ng dialogue, at gusto ko kung gaano ka-chill at hindi trying hard na magpatong-patong ang lahat ng problema nila nang sabay-sabay. Just a little bit of hints and there. The acting? AMAZING.”

“Iniisip ko pa ano ang mararamdam pero ang gandang pilot episode… Lahat ang husay ng pagkakalatag at ang magic at charm ng movie nadala pa rin sa episode na ito (at siguro ang buong series na rin),” komento ni @loverjuyo.

Para naman kay @GraceBangalan, “Grabe yung ‘subtle kilig moments’! Those hands, smiles, and stares really made me smile throughout the ep. And ‘di lang to w/ Luke but kay Gio… ‘Yung theme and scenes grabe.”

Sa susunod na episode, pagseselosan ni Luke ang pagiging close sa isa’t isa nina Dominic at Gio habang sila ay nasa isang school retreat. Lalo pang masusubukan ang relasyon ng dalawa dahil kokomprontahin si Dominic ng ex-girlfriend ni Luke na si Karen (Rissey Reyes).

Ipapalabas ang mga susunod na episode ng “Love Beneath the Stars” kada Lunes, 8 PM sa iWantTFC app (iOs at Android) o sa iwanttfc.com. Libre itong napapanood sa Pilipinas, habang available naman ito sa premium subscribers sa labas ng Pilipinas.

Mapapanood din ang iWantTFC sa mas malaking screen sa piling devices gaya ng VEWD, ROKU streaming devices, Android TV, piling Samsung Smart TV models, Telstra TV (available lamang sa Australia) para sa users sa labas ng Pilipinas, at VIDAA para sa piling mga bansa. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://iwanttfc.com/help#tfc-on-smart-tv.

Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWantTFC o sundan ang @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC. Kung may mga katanungan naman, ipadala ang mga ito sa Facebook page ng iWantTFC o mag-e-mail sa support@iwanttfc.com.