News Releases

English | Tagalog

Vice Ganda, hahamunin ang mga tanod at call center agent ngayong weekend sa "Everybody, Sing!"

August 19, 2021 AT 01:59 PM

Vice Ganda challenges barangay tanods and call center agents this weekend on "Everybody, Sing!"

Vice Ganda transforms into a popular mobile game character and Olympic gold medalist Hidilyn Diaz as she challenges the music prowess of barangay tanods and call center agents who will be this weekend’s (August 21 and 22) songbayanan on ABS-CBN’s “Everybody, Sing.”

Balik fresh episodes ngayong weekend!  
 

Isang Vice Ganda na nakadamit bilang isang sikat na mobile game character at bilang si Olympic gold medalist Hidilyn Diaz ang hahamon sa mga songbayanan na tanod at call center agent ngayong weekend (Agosto 21 at 22) sa “Everybody, Sing” ng ABS-CBN. 

Kaabang-abang ito dahil balik sa fresh episodes ang community singing game show na naghahatid ng liwanag at ligaya sa viewers ng Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, iWantTFC, at TFC tuwing Sabado at Linggo ng 7 pm.  

Susubukan ng mga tanod (Agosto 21) at ng call center agents (Agosto 22) na sumunod sa yapak ng mga songbayanan na community pantry volunteers, massage therapists, teachers, at PUV drivers na nakapaguwi ng P500,000 jackpot prize.   

Para magawa iyan, sa bawat round, dapat sapat ang maipon na oras ng songbayanan para mas malaki ang tsansang mahulaan nila ang 10 awitin sa jackpot round. Papalarin kaya silang masungkit ang inaasam na jackpot?  

Abangan sa “Everybody, Sing!” kasama si Vice Ganda at ang resident band na Six Part Invention tuwing 7 pm ng Sabado at Linggo sa  A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC. Para sa latest tungkol sa “Everybody, Sing!” i-follow ang @EVERYBODYSINGPH sa Facebook, Twitter, at Instagram.  

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE