News Releases

English | Tagalog

Music video launch ng BGYO na "The Baddest," trending at pinag-usapan

August 24, 2021 AT 11:37 AM

Trending sa social media sites noong nakaraang weekend ang music video ng comeback single ng BGYO na "The Baddest" sa pagbibigay pugay nito sa mga bayani.   

 

Nakapukaw rin ng mga puso ng fans ang paglabas ni Liza Soberano sa nasabing music video kaya naman nagtrending din ang kanyang pangalan kasabay ng music video. Sa music video, makikita na si Liza ang inilalarawan nilang dream girl na may angking talino at katapangan at independente.  

 

Napansin naman ng ilang mapanuring fans ang pagkakatulad ng mga group members ng BGYO sa ilang bayani ng ating bansa. Hindi lang itsura, kundi pati sa prinsipyo at kanilang pinaglalaban, nakita ng fans ang ginawang subtle tribute ng BGYO sa mga nasabing bayani.

 

Nakumpirma ng fans ang kanilang hula sa pinost ng BGYO sa kanilang social media accounts na pinakita ang mga larawan ng BGYO katabi ang ginampanang national hero – si Gelo bilang si Jose Rizal, Mikki bilang si Andres Bonifacio, Nate bilang si Gregorio del Pilar, Akira bilang si Juan Luna, at si JL bilang si Marcelo H. del Pilar.  

 

Komento ni @ayrajooooy, "Tamang tama po Buwan Ng Wika ang August at National Heroes Day sa 30." Ani @vicentehason, "I really appreciate the creative director and the team for the MV. Imagine, they showed us the portrayal of historic events of the Filipino Heroes and myth in a present setting."  

 

"Our boys paying respect to the heroes who paved the way for our independence," sabi naman ni @hiiragi_173. Para kay @m4knate, "I think that 'The Baddest MV is a culmination of the "agents trying to save the humanity." Ideas put together through portrayal of our national heroes to showcase its celebration on this month and to represent a modern-day revolution in the P-Pop scene."  

 

Bukod sa pagiging top trending topic sa Twitter noong weekend, kabilang pa rin sila sa trending videos sa YouTube hanggang Lunes (Agosto 23). 

 

Patuloy pa rin na mapapakinggan ang "The Baddest" sa Spotify, Apple Music at sa iba pang streaming sites at mapapanood naman ang music video nito sa Facebook at YouTube Channel ng BGYO. Pakinggan ang awitin sa link na ito: https://bfan.link/BGYOTheBaddest