News Releases

English | Tagalog

Roxanne, sinagot na si Joross sa "Hoy, Love You" sa Kapamilya Channel

August 26, 2021 AT 12:59 PM

Roxanne finally says yes to Joross in "Hoy, Love You" on Kapamilya Channel

Jules (Joross Gamboa) finally got the answer he has been waiting for from Marge (Roxanne Guinoo-Yap) after a long wait in “Hoy, Love You” on Kapamilya Channel and A2Z.

Karina at Aljon, magtatagpo na ang landas sa Sabado 

 

Nakamit na sa wakas ni Jules (Joross Gamboa) ang matamis na sagot ni Marge (Roxanne Guinoo-Yap) na matagal na niyang inaasam sa “Hoy, Love You” ng Kapamilya Channel at A2Z. 

 

Matapos malaman na hindi pala lumayas ang kanilang mga anak na sina Charles (Aljon Mendoza) at Joana Rose (Brenna Garcia) patungo sa hidden island, nakahanap ng oras si Jules para muling tanungin sa Marge sa tungkol sa kanyang proposal.  

 

Pero kahit opisyal na silang magkasintahan, may balakid pa rin sa kanilang pagmamahalan. Magsasanib-pwersa ang ina at ex ni Marge na sina Elizabeth (Carmi Martin) at Richard (Dominic Ochoa) upang hindi magkatuluyan sina Marge at Jules. Boto si Elizabeth kay Richard dahil mayaman ito at mabibigyan daw ng magandang kinabukasan ang kanyang anak at apo.  

 

May magpapatibok na rin sa puso ng anak ni Marge na si Charles sa pagpasok ni Kara (Karina Bautista) sa kwento simula ngayong Sabado. Siya na kaya ang magbibigay kulay sa buhay ng binata? Anong plano nina Elizabeth at Richard para mabago ang isip ni Marge? 

 

Samantala, umaarangkada na ang promo para sa season two ng show na pinamagatang "Hoy, Love You Two." Pagkatapos ng official trailer, inilabas na rin ang season two poster na lalo pang nagpasabik sa mga fans ng programa. Bukod dito, magkakaroon din ng exclusive content mula sa cast na mapapanood sa social media accounts ng iWantTFC.

 

Panoorin ang “Hoy, Love You” tuwing Sabado 9:30 pm ng gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live, at iWantTFC. Para sa ibang balita, i-follow ang ABS-CBNPR sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram (@abscbnpr) o pumunta sa abs-cbn.com/newsroom.