News Releases

English | Tagalog

Barkada ng "He's Into Her," babalikan ang pagsisimula ng hit series

August 05, 2021 AT 03:53 PM

Hindi mawawala ang “He’s Into Her” barkada soon dahil hatid ng ABS-CBN ang ilan pang pagkakataon mapanood ng fans ang kanilang idols sa "He’s Into Her: The Journey," isang special documentary episode na nagpapakita kung paano ginawa ang hit serye, ngayong Agusto 7 (Sabado) sa ABS-CBN Entertainment YouTube Channel.

  

Ipapakita sa documentary ang mga kwento ng cast at crew mula sa paggawa ng konsepto, production hanggang sap ag-ere ng serye sa iba’t ibang platforms ng ABS-CBN, kabilang ang ilang never-before-seen na footage, audition tapes, at iba pang pagbabalik-tanaw ng cast sa paggawa nila sa hit project na nagtagal ng dalawang taon.  

 

Kasama rin dito ang mga madamdaming kwento ng cast at mga producer tungkol sa mga pinagdaanan nila nitong panahon ng pandemya at kung paano halos tuluyan nang masira ang kanilang pangarap sa pagsasara ng free TV ng ABS-CBN. 

 

Huwag din palampasin ang exciting at heartwarming interviews nina Donny Pangilinan, Belle Mariano, Jeremiah Lisbo, Joao Constancia, Criza Taa, Rhys Miguel, and Kaori Oinuma; plus, Vivoree Esclito, Melizza Jimenez, Sophie Reyes, Dalia Varde, Ashley del Mundo, Gello Marquez, and Limer Veloso kung saan magbahagi sila ng kwento sa pag-ibig, pamilya, karera, at ibang pang isyung kinahaharap ng kabataan ngayon na sinalamin ng kanilang show.  

 

Bukod dito, patuloy din na mapapanood ng fans ang “HIH Extras” sa YouTube channel ng Star Cinema kung saan mas nakikilala ang cast members sa pagsabak nila sa iba't ibang challenges at interviews. Abangan ang mga fresh episode nito tuwing Miyerkules, Biyernes, at Sabado hanggang Setyembre 3. Ang “The Journey” at “HIH Extras” ay bahagi ng Kapamilya YOUniverse sa YouTube, kung saan mapapanood ang mga bagong content experience mula sa ABS-CBN.  

 

Mapapanood din ang "He's Into Her: The Journey" sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at iWantTFC ng Agosto 8 (Linggo).