News Releases

English | Tagalog

‘He's Into Her" may season 2, record-breaking sa ticket sales sa KTX.PH

August 08, 2021 AT 01:05 PM

Ang pinaka-sinubaybayang romantic comedy series mula sa Star Cinema na “He’s Into Her” na ipinalabas sa iWantTFC, Kapamilya Channel, at A2Z, ay magkakaroon ng ikalawang season para ibalik ang pagmamahal sa mga manonood, habang winasak naman nito ang ticket sales record sa KTX.PH matapos makabenta ng higit sa 35,000 na ticket ang post-finale show nito na "The Benison Ball." 

"Alam namin maraming nalungkot sa pagtatapos ng ‘He's Into Her’ at dahil ayaw namin kayong malungkot, may good news po kami para sa inyong lahat. Ang ‘He's Into Her’po ay magkakaroon na ng season 2," sinabi ni Cory Vidanes, ABS-CBN chief operating officersa thanksgiving concert ng show na “The Benison Ball” last Friday, August 6. 

Samantala, inanunsyo naman ng KTX.PH sa social media na ang nasabing online concert na ang digital concert na may pinakamaraming taong dumalo dahil umabot sa 35,000 tickets ang nabenta para dito, at lumagpas pa sa seating capacity ng tradisyunal na venues tulad ng Araneta Coliseum at Mall of Asia Arena. 

"Aside from being the KTX.PH event with the most number of tickets sold, the ‘The Benison Ball’ is inspiring because everyone in the production had the chance to entertain during these trying times, especially because the show happened on the first day of a new round of lockdown. And, it was very warmly received by our Kapamilyas, and further confirmed that, indeed, we have new stars," saad ng KTX head of business development na si Gian Vizcarra. 

Natunghayan sa concert ang group performance ng cast na pinangunahan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano pati na ang number ng mga gumanap na kaibigan ni Belle sa palabas na sina Vivoree Esclito, Criza Taa, Limer Veloso, at Kaori Oinuma laban sa mean girls na sina Dalia Varde at Ashley del Mundo. 

Sa pangunguna ni Donny, nagpakitang gilas din ang boys ng "He's Into Her"  na sina Joao Constancia, Gello Marquez, Rhys Miguel, at Jeremiah Lisbo sa pagsayaw nila sa kanta ni Inigo Pascual na "Catching Feelings" habang nagdri-dribol ng bola. 

Kinilig naman ang mga nakapanood sa performances ng love teams na sina Ashley at Gello, Criza at Joao, Kaori at Rhys, at ang love triangle nina Donny, Belle, at Jeremiah. 

Mas lalung naging makulay ang gabi ng "Benison Ball" sa awiting hinandong nina Jayda Avanzado, SAB, JC Alcantara, Gigi de Lana, at BGYO. Kinumpleto naman ng Bearkada na sina Shanaiah Gomez, Jae Miranda, River Joseph, at Milo Elmido ang naturang gabi sa paghohost nila sa nasabing event. 

Pinasalamatan naman ng ABS-CBN chief operating officer na si Cory Vidanes, ABS-CBN Films managing director na si Olivia Lamasan, at head of Star Magic na si Laurenti Dyogi, ang buong produksyon at ang viewers sa naging matagumpay na season ng "He's Into Her."   

Matutuwa ang fans dahil mapapanod nilang muli ang “The Benison Ball” sa iWanTFC at TFC sa Agusto 11 (MIyerkules).

Sa simula pa lang, tinangkilik na agad ng viewers at netizens ang "He's Into Her." Dahil sa dami ng gustong sundan ang palabas, naging top free entertainment app ang iWantTFC sa mobile applications sa bansa bago ito mag-premiere noong Mayo 28. Nagtuloy-tuloy naman ang paghahari nito sa iWantTFC sa pagiging number one nito sa app mula umpisa hanggang sa nagtapos. 

Huwag palampasin ang balita at announcements para sa second season ng "He's Into Her." Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Tiktok, at Instagram o magpunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.