News Releases

English | Tagalog

“Ultimate Bida Star: Boy Next Door" ng ABS-CBN, makikilala sa Setyembre 8

September 01, 2021 AT 06:38 PM

Malapit nang matupad ang pangarap ng isang binata na bumida sa sarili niyang  online Kapamilya show dahil mula sa apat na finalists, kokoronahan na ng ABS-CBN ang “Ultimate Bida Star: Boy Next Door” ngayong Setyembre 8 (Miyerkules), 6 PM sa Star Hunt Facebook page at kumu channel. 

 

Isang matinding acting challenge ang haharapin ng apat—Cyrill Tumamak ng Paranaque, Dustine Mayores ng Manila, Red Mendoza ng Las Piñas, at Lee Feng Nuñez mula sa Occidental Mindoro—para masukat ang mga natutunan nila sa buong edisyon ng Bida Star. Manggagaling sa KTX scores, kumu diamonds at judges scores ang final scores nila. Uupong judges para sa nasabing finals ay sina TVDG Head Alex Asuncion, Star Hunt Management Head Raymund Dizon, at Direk Rahyan Carlos. Sa mga gustong sumuporta sa knailang idolo, bukas pa rin ang botohan hanggang Setyembre 6, 11:59 AM.  

 

Ang mapalad na kauna-unahang “Ultimate Bida Star: Boy Next Door” ay mag-uuwi ng P50,000, isang digital film kasama ang iba't ibang Kapamilya actors, ABS-CBN Management Contract, Star Magic Workshop Scholarship, pagkakataon na mapabilang sa shortlist ng pwedeng ma-interview para sa "Pinoy Big Brother Kumunity Season 10," at bibida sa isang digital show.  

 

Mula nang buksan ng Bida Star ang pagkakataon para sa 50 Boy Next Door hopefuls, naglaban-laban ang mga ito sa iba't ibang online acting challenges kung saan hinasa sila ng Bida Star Mentor na si Direk Rahyan Carlos.  

 

Kasama nila sa kanilang journey ang hosts na sina Karina Bautista, Aljon Mendoza, Kaori Oinuma at Rhys Miguel na nagbigay ng updates sa mga contestant. Mas nakilala naman ng netizens ang nasabing hopefuls sa "Bida Star Boy Next Door Extra" sa kumu kasama ang Ultimate Bida Star Season 2 Gandang Naturally Fresh na si Ruth Paga. 

 

Para sa updates tungkol sa “Bida Star,” i-follow lang ang Star Hunt sa Facebook (@starhuntabscbn), Kumu (@starhuntabscbn), Twitter (@starhuntabscbn), Instagram (@starhuntabscbn), at Tiktok (@starhuntabscbn).