News Releases

English | Tagalog

Performances nina BINI, Maris at Rico, live na live sa 'ASAP Natin 'To'

September 11, 2021 AT 01:33 PM

BINI, Maris and Rico electrify 'ASAP' stage live this Sunday

Spice up your Sunday with these scintillating world-class acts from the country's longest-running musical variety show, "ASAP Natin 'To," live at 12 NN

Abangan ang world-class collab nina Morissette at 'The Voice UK' runner-up Jamie Miller

Humanda sa pag-arangkada ng bigating star-studded performances, tulad ng P-Pop surprise ng BINI, kilig treat nina Maris Racal at Rico Blanco, dream collab nina Morissette at Welsh musician Jamie Miller, at marami pang iba sa "ASAP Natin 'To" live na live ngayong Linggo (Setyembre 12) sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.   

Paka-abangan ang isa pang P-Pop surprise ng BINI sa kanilang new single launch na "Kapit Lang."

Punong-puno rin ng kilig ang ASAP stage sa treat ng real-life sweethearts na sina Maris Racal at Rico Blanco, at sa pagdagsa ng cast ng "Marry Me, Marry You," tulad nina Paulo Avelino, Janine Gutierrez, Jake Ejercito, Vina Morales, Cherry Pie Picache, Sunshine Dizon, Teresa Loyzaga, Edu Manzano at iba pa na may kasamang special performance mula kina Elha Nympha, SAB, Anji Salvacion, Diego Gutierrez, at Angela Ken.

May techno-hits kantahan at sayawan pa mula sa inyong "ASAP Natin 'To" family, kabilang sina AC Bonifacio, Sam Concepcion, Nina, Jed Madela, vocal trio iDolls, at marami pang iba. Makikisali rin sa Sunday party ang Kapamilya heartthrob na si Donny Pangilinan.

Hahataw naman ang OPM hitmaker na si Ogie Alcasid kasama ang dance hotties na sina Robi Domingo, Joao Constancia, Loisa Andalio, Ronnie Alonte, Edward Barber, at ang mga dancing lolo't lola na sina Dennis Hong at Doren Relacion sa "ASAP Discoveries."  

Hindi rin pahuhuli ang mga bigating musical act ngayong Linggo, tulad ng world-class collab mula kina Asia's Phoenix Morissette at "The Voice UK" runner-up Jamie Miller; at ang bonggang biritan mula sa New-Gen ASAP Birit Divas Sheena Belarmino, Elha Nympha, Lara Maigue, at Janine Berdin.  

Pakatutukan ang engrandeng '80s hits medley nina Ogie Alcasid, Erik Santos, Angeline Quinto, Zsa Zsa Padilla, at Regine Velasquez sa "The Greatest Showdown."   

Makisali na sa world-class party mula sa longest-running musical variety show sa bansa, ang "ASAP Natin 'To," live ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC. Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.      

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.