News Releases

English | Tagalog

Cha-Cha Cañete may awitin tungkol sa namumuong "Agwat" sa isang relasyon

September 13, 2021 AT 11:26 AM

Hugot ng isang humaharap sa pagsubok ng pag-ibig ang maririnig sa bagong single ni Cha-Cha Cañete na pinamagatang “Agwat” na handog ng Star Pop music label ng ABS-CBN.
 
Blooming na dalaga na ngayon ang dating “Goin’ Bulilit” star na ipinapakita ang pagma-mature niya sa ballad na tungkol sa isang tao na nakikitang meron nang namumuong pagitan sa kanila ng minamahal niya.

 
isinulat at ipinrodyus ni Jungee Marcelo ang “Agwat” na para rin sa mga nakakaramdam na lumalayo ang mga kasintahan nila dahil na rin sa kailangang mag-social distancing ngayong pandemya.
 
Sinusundan nito ang inilabas na Christmas single ni Cha-cha noong 2020 sa ilalim pa rin ng Star Pop na pinamagatang “Pasko Pa Rin.”
 
Bukod sa pagiging child actress, napatunayan na rin ni Cha-Cha na isa siyang magaling na mang-aawit sa pagkapanalo niya sa mga international singing competitions gaya na lang sa 2013 World Championships of Performing Arts (WCOPA) sa Los Angeles, California sa Amerika at sa 2014 Europop sa Berlin, Germany.
 
Dahil isa ring role model sa mga kabataan, naging ambassadress na rin siya para sa iba’t ibang ahensya sa gobyerno gaya ng Council for the Welfare of Children (CWC), Department of Social Welfare and Development (DSWD), at Department of Agriculture (DA).
 
Pakinggan ang bagong single ni Cha-Cha na “Agwat” sa ABS-CBN Star Music YouTube channel at sa iba’t ibang digital music platforms. Para sa iba pang detalye, sundan ang Star Pop sa Facebook (www.facebook.com/starpopph) at sa Twitter at Instagram (@starpopph).
 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE