News Releases

English | Tagalog

Bagong pambato ng bansa sa Miss Universe, makikilala na sa Setyembre 30 sa KTX.PH

September 28, 2021 AT 02:33 PM

Mangyayari na ang pinaka-hihintay na araw ng mga pageant fan dahil makikilala na ang bagong Miss Universe Philippines sa pagpapatuloy ng coronation night sa darating na Setyembre 30 (Huwebes) na mapapanood ng LIVE sa pamamagitan ng streaming simula 7PM sa KTX.PH.

 

Bago ang inaabangang coronation night sa Henann Resort Convention Center sa Bohol, nagpakitang gilas na ang natitirang 28 kandidata sa iba't ibang pageant activities na naganap noong nakaraang linggo.

 

Una na silang sumabak sa preliminary interviews noong Setyembre 24 (Biyernes) kung saan binigyan sila ng 30 segundo upang sagutin ang bawat isa sa limang katanungan.

 

Samantala, nirampa naman nila ang kanilang mga pulang swimwear at magagarbong evening gowns noong Setyembre 26 (Linggo) sa Clark International Airport.

 

Bumuhos naman ang tweets ng netizens sa ipinakitang galing ng kani-kanilang mga napupusuang kandidata at nagtrending pa ang ilan dito sa mga nagdaang arawsa social media.

 

Maaari pang bumoto ang fans para sa paborito nilang kandidata hanggang Setyembre 29 (Miyerkules). Ang kandidata na may pinakamaraming boto ay pasok na agad sa Top 16.

 

Huwag na palampasin ang tsansa na unang mapanood ang coronation night sa September 30 at bumili na ng tickets sa KTX.PH sa halagang P499. Mag-log in lang sa https://www.ktx.ph/events/33037/miss-universe-philippines-2021para bumili ng tickets.