News Releases

English | Tagalog

Bagong kanta ng BGYO na "Kulay," umani ng halos 1 milyong views sa YouTube

September 29, 2021 AT 06:10 PM

Tuloy-tuloy ang pagpapasaya ng P-Pop group BGYO sa kanilang fans sa bagong awitin nila na "Kulay" na mapapakinggan sa mga major streaming site simula Biyernes (Okt. 1). Pagbibigay-pugay ito ng grupo sa mga taong bumago sa kanilang buhay. 

 

Umabot na sa halos isang milyong views ang “Kulay” na pinakabagong kanta ng sikat na P-pop group BGYO, matapos gamitin ng Miss Universe Philippines pageant ang awitin nila para sa national costume competition nito sa Empire Philippines YouTube channel.

 

Patok na patok pa rin ang nauna nilang awitin na "The Baddest" na lagpas isang milyong beses na pinakinggan sa Spotify mula noong nilabas ito noong Agosto. 

 

Usap-usapan din sa social media ang pinakabago nilang partnership sa Louis Vuitton.

 

Inaabangan din ngayon ang back-to-back release ng albums nila at ng BINI. Nakatakdang lumabas "The Light" sa Oktubre 7 (Huwebes) at ang album naman ng BINI na "Born To Win" ay sa Oktubre 14 (Huwebes). 

 

Maaring i-stream ang "Kulay" sa Spotify, Apple Music, at iba pang streaming sites mula Biyernes (Oktubre 1).

 

Para sa karagdagang updates tungkol sa BGYO, sundan ang BGYO_ph sa Facebook, Twitter, at Instagram, at mag-subscribe na sa official YouTube channels nilang BGYO Official.