News Releases

English | Tagalog

JC, nagpropose kay Christian sa "MMK"

September 03, 2021 AT 07:19 PM

Patutunayan nina JC de Vera at Christian Bables na nasa kamay natin ang magandang kapalaran sa pag-ibig kung atin lamang ipaglalaban ito sa kanilang pagganap bilang JC at Iron, na magkikita muli at iibig matapos mawalay nang matagal sa darating na Sabado (Setyembre 4) sa “MMK.”   

 

Tila pinana ng kupido ang baristang si Iron (Christian) at coffee lover na si Jay (JC) sa kanilang unang pagkikita sa pinagtratrabuhang coffee shop ni Iron. Ngunit mukhang wrong timing dahil nakatali pa sila sa kani-kanyang kumplikadong relasyon.  

 

Makalipas ang tatlong buwan, nakita ni Iron ang Facebook account ni Jay na nasa Norway noong panahong iyon. Dito nagsimula muli ang kanilang komunikasyon. Hindi naging hadlang ang time difference para umusbong ang pagmamahalan nila sa isa't isa.  

 

Hindi nagtagal nakabisita si Jay sa Pilipinas at nakaroon ng pagkakataon na makasama si Iron sa Pasko. Sa kanyang 18 araw na bakasyon sa Pilipinas ay nadiskubre nila na nagtagpo na sila noong isang taon pa.  Trainee pa si Iron noon at nangangarap na makilala ang lalaking magmamahal sa kanya habang si Jay naman ay nagluluksa sa pagkamatay nang kanyang ina. 

 

Bago umalis si Jay papuntang Norway, inaya niya si Iron magpakasal at pinangakong kukunin ito ay maninirahan na kasama niya.  

 

Matupad kaya ang pangako ni Jay kay Iron? Anu-anong pagsubok kaya ang hinarap ng dalawa? Panoorin ang “MMK” sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live YouTube channel, ABS-CBN Entertainment Facebook page, at iWantTFC. Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.   

  

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Tiktok, at Instagram o magpunta sa www.abs-cbn.com/newsroom