News Releases

English | Tagalog

Roxanne, humiling ng baby kay Joross sa "Hoy Love You Two"

September 30, 2021 AT 03:03 PM

Ritz, gustong mang-agaw ng asawa?

Excited si Marge (Roxanne Guinoo-Yap) na magka-baby pagkatapos niyang ipaalam kay Jules (Joross Gamboa) na dapat na silang magkaroon ng sarili nilang anak sa “Hoy Love You Two,” na napapanood nang libre sa iWantTFC.

Naniniwala si Marge na mas magiging masaya ang kanilang pamilya kung magkakaroon sila ng baby ni Jules, lalo na’t hindi na niya naaalagaan ang nagbibinata niyang anak na si Charles (Aljon Mendoza). Ngunit maaaring ito ang susunod na pag-awayan ng mag-asawa dahil mag-aalangan pa si Jules sa gusto ni Marge.

Nakatuon ngayon ang pansin ng mag-asawa sa patong-patong na proyekto para sa construction business nila. Nagkakaselosan na rin sina Marge at Jules dahil bukod sa pangungulit ng kliyente nilang si Mica (Ritz Azul), napapadalas ang pang-aakit nito kay Jules para makuha ang atensyon ni Jules.

Hindi naman ipinapaalam ni Jules kay Marge na balak niyang itong sorpresahin sa pagpapatayo niya ng dream house nito. Gusto na ring tumulong nina Marge at Jules sa love life ni Charles dahil kinokontra pa rin ng Lolo Bruno (Lou Veloso) ni Kara (Karina Bautista) ang pagmamahalan ng dalawang bata.

Papayag ba si Jules na magka-baby sila ni Marge? Magkakatuluyan pa kaya sina Charles at Kara?

Mae-enjoy ang mga episode ng “Hoy Love You Two” kada Sabado, 8 PM kapag nag-download ng iWantTFC app (iOs at Android) o magrehistro sa iwanttfc.com. Mapapanood din ang iWantTFC sa mas malaking screen sa piling devices gaya ng VEWD, ROKU streaming devices, Android TV, piling Samsung Smart TV models, Telstra TV (available lamang sa Australia) para sa users sa labas ng Pilipinas, at VIDAA para sa piling mga bansa. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://iwanttfc.com/help#tfc-on-smart-tv.

Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWantTFC o sundan ang @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC. Kung may mga katanungan naman, ipadala ang mga ito sa Facebook page ng iWantTFC o mag-e-mail sa support@iwanttfc.com.