News Releases

English | Tagalog

Bigating celebrity guests, dapat abangan sa “The Best Talk” season 3

September 08, 2021 AT 03:35 PM

Janine, Anne, at Liza, tampok din sa virtual hot seat!
 
Kaabang-abang ang mga susunod na episode ng online show ni Boy Abunda na “The Best Talk,” dahil puro mga bigating Kapamilya stars ang nakalinya niyang bisita sa third season ng programa sa FYE channel sa kumu.
 
Pagkatapos ang masayang kwentuhan ng King of Talk kay Angel Locsin noong Sabado, susunod namang uupo sa virtual hot seat ang bagong Kapamilya at “Marry Me, Marry You” star na si Janine Gutierrez, na inaasahang magkukwento tungkol sa inaabangang teleserye nila ni Paulo Avelino sa Sabado (Setyembre 11). Makakausap din ni Tito Boy ang bagong Star Magic artist at Miss Universe Philippines 2021 candidate na si Maureen Wroblewitz.
 
Walang tigil ang kwentuhan at saya sa mga susunod na Sabado dahil mapapanood si Anne Curtis sa episode sa Setyembre 18, habang ang dalawa sa “PBB Kumunity Season 10” hosts na sina Bianca Gonzalez at Robi Domingo naman ang sasabak sa talakayan sa Setyembre 25.
 
Mapapanood din ang mag-asawang sina Luis Manzano at Jessy Mendiola sa “The Best Talk” sa Oktubre 2. Tiyak na aabangan din siyempre ang guesting ni Liza Soberano sa Oktubre 23.
 
Ang “The Best Talk” ay napapanood nang live sa FYE channel kung saan nakikipag-kwentuhan si Boy sa kanyang mga celebrity guest at iba’t ibang personalidad. Bukod sa mga interview, may mga segment din ang programa gaya ng ‘Kumu Fast Talk,’ ‘Boy Abunda Sessions,’ ‘Balitang Kumu,’ at ‘Kumu Feature’ kung saan pwedeng makisali ang mga manonood.
 
Tutok na sa third season ng “The Best Talk,” 8:30 PM kada Sabado sa FYE channel sa kumu. I-download ang kumu app at sundan ang @fyechannel (app.kumu.ph/fyechannel). Para sa iba pang detalye, sundan ang @fyechannel sa Instagram.
 
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram or visit www.abs-cbn.com/newsroom.